Need suggestion for my baby

Hello po mga mommies kelangan ko po ng suggestion niyo. meron po ba dito same sitwasyon ng anak ko na mag 2-2years old na po siya next yr january(first time mom here ) hirap po pakainin ng solid foods puro lang po gatas. Pero nakain naman po siya ng biscuit pero biscuit lang po. Nag pa checkup na po kami sabi ng pedia pilitin daw namen pakainin ,e ayaw talaga kumain kahit isabay namen siya sa pagkain kahit mag iwan kami ng pagkain sa table niya ayaw po talaga. Hindi naman nagbibigay si pedia ng vitamins para sa may gana kumain. Sana po may ma isuggest kayo.salamat po#GodBlessmgamommies

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

palit kayo ng pedia sis. Nung nawalan at naging picky eater ang eldest ko pinalitan ng Pedia namin ang vitamins nya good for 3months. Wla pa sya 1month nun ayun lumakas na sya kumain ๐Ÿคฃ After 3months paginom nun balik sa original vits and until now malakas pdin sya kumain. dati picky eater sya. Kaya ang ginawa ko tlagang ung food nya nasa lamesa lang at hnd ako mag offer sknya ng ibang food kung ano ulam namin un ang kakainin nya dapat. Sguru after mga 2hrs nagutom sya ayun kusa kumain ๐Ÿคฃ Akala nya sguru ispoil ko sya or madaan nya ako sa iyak nya. Also, meron kang meal time like this: 8am bfast 10am snacks fruits/1 biscuit 12noon lunch 1pm milk before naptime 4pm or 5pm snacks 6:30pm dinner 8:30pm-9pm snacks yan ang meal time namin ever since until now. Kahit sa ibang bagay kapag hnd pwd hnd ko tlaga ibigay sa anak ko kahit umiyak sya. Ulam namin lunch at dinner kinakain nya din ๐Ÿคฃ Kasi alam nya no choice sya or magutom sya.

Magbasa pa
2y ago

sis ganun tlaga isipin nyo both pareho kayo mahihirapan. Una hnd healty ang eating habits and bcos of that hihina immune system nya if hnd kakain ng healthy foods. Be firm tlaga and explain sa anak. Kahit in laws at asawa ko naawa nun sa anak ko kaai panay iyak pero pinigilan ko sila kasi pareho kami ng anak ko kawawa lalo na sya paglaki. Kaya hnd din ako nagbibigay ng sweets/juice/junkfoods/frozen sknya kasi dyan magstart na maging picky eater. Mas ok pa magulam sya ng egg kaysa hotdog. Hnd din nag formula milk tong anak ko sincr ayaw nya. Bear Brand Fortified ang gatas nito ung tag 13pesos na may straw 2x a day lang. sis hnd ko na matandaan ung nireseta na pampagana kumain sa anak ko eh pero now ang vit nya Heltine and CeeZinc. Pwd naman sis balik kayo sa pedia and ask if pwd ba magbigay sya ng pampagana na vitamins.

Super Mum

tuloy tuloy lang po ang pagoffer ng variety of foods. try nyo din po na wag magoffer ng biscuits before meal time and wag within lo's reach and sight ang stocks ng snacks.

2y ago

Thank u po...lagi po kasi sinasabi ni pedia na pilitin kumain. Hindi man lang kami nireresitahan pang pa gana kumain kahit saglitang vits.lamang.