FOOD DIET Plan

Hello po mga mommies😊 Can I ask your opinions/idea about food diet in morning, afternoon, and evening po? 😊 I am currently 19 weeks preg, and most of my family members sinasabihan na ako mag hinay hinay na ng kaen dahil in 4-5 months na lang lalabas na si Baby😊 Thank you po sa mga sasagot.😊😇#1stimemom #firstbaby

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

hello po mommy! kung talaga pong hindi mapigilan ang cravings kung meron man, try niyo po kainin sa umaga or tanghali para may chance pa po kayo maburn though the day. magulay na mga sabaw po pinapakain sakin ng MIL ko. bumibili po ako ng snacks na fruits like orange, suha, banana, apple, at grapes. hangga't kaya ko po maglakad naglalakad po ako at nagsquats at exercise kahit nasa kwarto lang kasi sweets po ang cravings ko (na di ko naman hilig noon). ask your ob po para sa mga bawal po na food like fish na madugo (high mercury content po kasi like tuna/tulingan) and raw meat/fish. usually po gigising ako anmum and oatmeal po ako (kasi hirap po ako magpoop dahil sa anmum at ferrous sulfate; ask your OB po kung pwede po ba kayo mag anmum nung nagpalit po ako ng OB sinabihan po ako na nakakalaki ng baby kaya itigil na at mag folic acid supplements nalang). tapos sa tanghali yung usual po na ulam ng pinoy (adobo, sinabawang fish, pork nilaga, ganun po). sa hapunan madalas po gulay at fish. sa gabi po gatas at cookies po or tinapay kinakain ko. p you can modify po according sa kung ano pong taste niyo basta sana po may guide po kayo from your Ob/midwife.

Magbasa pa
3y ago

thank you Mommy😊