Age gap para sa next baby

Hello po mga mommies. Ask ko lang po ano ang magandang age gap para masundan ang panganay? 3yrsold na po siya ngayon. Gusto na kasi pasundan ni hubby. Feeling ko kasi di pa ako ready tsaka nag sschool na siya. #agegap

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang age gap ng 1st and 2nd ko is almost 4 years. Narealize kong mahirap pala ang ganung age gap kasi bantayin pa rin talaga si first born. So ang age gap naman ni 2nd kay 3rd is 7 years same sa gap naman niya sa bunso namin. Madali lang sabihin na keri na sundan pero kasi mii iconsider mo rin syempre ang outcome at situation. For me mas okay yung naging decision namin na 7 years bago masundan. At least kasi kapag ganun age na, hindi na masyadong mahirap pasunurin. Hindi na rin sobrang bigat ng mga gawain lalo na kapag kami lang palagi ang naiiwan sa bahay. Kasi syempre yung 7yr old ko marunong na maligo, magbihis, magligpit and do her little things. Sa experience ko yan mii ha. Depende pa rin sa inyo kung gusto na talaga sundan☺️

Magbasa pa
3y ago

You're welcome mii. In addition to that, mas okay din yung mejo malaki ang age gap kasi at least nasulit niya ang pagiging baby at nasulit nio siya as baby talaga bago siya masundan. Napansin ko rin sa two girls ko (sila yung 2nd and 3rd kids ko), ready na sila sa bagong kapatid. Unlike nung kay first born na medyo matagal ang adjustment niya. I mean happy naman siya kaya lang may times talaga na nagtataka pa rin siya about sa situation. Mas okay ung ready kayong lahat sa family bago magkaron ng new member dba? Kaya pag-isipang mabuti mii.☺️