7 Replies

Ang age gap ng 1st and 2nd ko is almost 4 years. Narealize kong mahirap pala ang ganung age gap kasi bantayin pa rin talaga si first born. So ang age gap naman ni 2nd kay 3rd is 7 years same sa gap naman niya sa bunso namin. Madali lang sabihin na keri na sundan pero kasi mii iconsider mo rin syempre ang outcome at situation. For me mas okay yung naging decision namin na 7 years bago masundan. At least kasi kapag ganun age na, hindi na masyadong mahirap pasunurin. Hindi na rin sobrang bigat ng mga gawain lalo na kapag kami lang palagi ang naiiwan sa bahay. Kasi syempre yung 7yr old ko marunong na maligo, magbihis, magligpit and do her little things. Sa experience ko yan mii ha. Depende pa rin sa inyo kung gusto na talaga sundan☺️

You're welcome mii. In addition to that, mas okay din yung mejo malaki ang age gap kasi at least nasulit niya ang pagiging baby at nasulit nio siya as baby talaga bago siya masundan. Napansin ko rin sa two girls ko (sila yung 2nd and 3rd kids ko), ready na sila sa bagong kapatid. Unlike nung kay first born na medyo matagal ang adjustment niya. I mean happy naman siya kaya lang may times talaga na nagtataka pa rin siya about sa situation. Mas okay ung ready kayong lahat sa family bago magkaron ng new member dba? Kaya pag-isipang mabuti mii.☺️

Depende mommy kung ok at stable kayo financially at normal delivery kay baby mo pwede mo na sundan basta ready na din ikaw mommy.. Pag CS kasi dapat 3years saka ulit magbubuntis.. Samen panganay ko 6years old na nung nagbuntis ako ulit.. Matagal nasundan kasi hindi agad binigay ni Lord.. Pero CS din ako nung una.. At CS ulit dito sa 2nd dahil breech naman.. Pero balak ko mag pangatlo ulit sana hindi kasing layo ng gap sa panganay at dito kay 2ndborn..kasi 35 na ako at gusto ko masulit ko ang CS😅 kahit ang mahal mahal sabik kasi ako sa may mga anak kahit 3 lang sila unica hija kasi ako😊

actually sis depende eh. Samin 2yrs old ng masundan eldest. Sa una tlagang ayoko pa sana kasi mentally not yet ready pa ako, pero since okay naman financially keri na para isang pag aalaga na lang at hnd malayo age gap nila. Sa panahon kasi now for me pinaka mahalaga is financial aspect if want magkaanak at magdagdag ng anak. Mahal ng bilihin eh. Kaya magpapa ligate na ako after ko manganak dto sa 2nd pra stop na tlaga. Mag baby kayo sis kapag ready na kayo lalo na ikaw. Si hubby ko kasi good husband,father at provider sya kaya hnd na na ako nagworry 😅

Tama po mii..need tlga financially ready. Thank you po.

kami ni hubby 12 yrs ang age gap ng mga anak namin. we planned talaga na initially 10yrs ang age gap since bata pa kami nung nagkaroon kami ng anak. so we made sure na maging stable muna kami financially bago sundan. nung 2020 sana ready na kami kaya lang nagka pandemic naman so we decided to delay it. ngaun 27 weeks preggy ako. it really pays off kung may tamang family planning kayo. so far 12 yrs gap worked for us kasi mas stable na kami. pero of course depende din sa situation nyo ni hubby mo.

Hi mii ako 3yrs old baby ko at sinundan ko ngayon po buntis po ako mahirap po kasi makulit pa si baby kaya napilitan ako kumuha ng mag aasikaso sa kanya kasi subrang kulit. Ang reason ko naman po kung bakit sinundan ko para isang alagain ko lang para incase ready nako mag trabaho tuloy2x na at wala din kasing ibang bata dito sa bahay kaya sinundan ko na din ng may kalaro ung panganay ko para di ung cp at aso ung kalaro nya.

VIP Member

Hi mom! I think depende po yan mom and like marriage we usually consider 4 factors. If we are ready financially, emotionally, physically and mentally. If you are confident po with these 4 factors yakang yaka na mom!

kung kailan kayo ready na bigyan siya ng kapatid sis, 3yo pwede na rin naman kayalang if di ka pa ready ihanda mo muna ang sarili mo mahirap din naman kasi magbuntis

Thnk you mii. oo nga eh, yung 3yo ko kasi bantayin pa talaga.

Trending na Tanong

Related Articles