14 Replies
wag ka pa stress mi. kung san kapo komportable dun kapo. buti di ganyan asawa ko. support lang sta sakin khit san ko gusto . and ako nman mas gusto ko din sa lying in bukod sa lola ko yung midwife don mas maasikaso pa ko saka safe din nman if ever na di ko na kaya may pa ambulance naman at ittransfer ako sa public hospital. wala din nman sakin prob if sa public hospital ako . basta nasa mind set ko lang na kahit saan at kahit anong paraan pa basta mailbas ko c baby ng maayos at kakayanin ko.. kaya mi tatagan mo lang po loob mo.. kase di rin natin masasabi na kung saan mo gusto dun talaga . may mga emergency talaga dapat lang po na ihanda mo na po yung sarili mo. at wag mo na po gano isipin yung asawa mo marerealize nya din yun..
Kakapanganak ko lang din sa lying in last week, 1st baby. Suggest ko lang, kung 1st baby mo iyan, maghospital ka na lang. Muntik na ko magpalipat sa hospital nun. Wag mo isipin di ka maasikaso sa public. Aasikasuhin ka dun, wag ka lang mag inarte, magagalit tlga yan mapa private o public pag nag iinarte ka during labor Mas mahirap kasi kung asa lying in ka, tapos di mo kaya papatransfer ka lang din sa hospital
Mommy kung saan ka comfortable yon ang sundin mo. Tutal ikaw naman pala ang gagastos. Hindi naman sa nilalahat ang mga kalalakihan. Pero karamihan talaga ng mga lalaki hindi makaunawa. Palibhasa hindi sila ang nagbubuntis at manganganak. Kaya mo yan mommy. Wag mo siyang intindihin. Kasi dadagdag lang yan sa isipin mo. Ang mahalaga makaraos kayo ni baby ng malualhati. Kaya mo yan.
Kung saan ka po panatag at komportable. Ako nga din laki ng babayaran ko sa private hospital hindi kasi maganda experience ko sa public hospital at lying in na napuntahan ko. Madami ako comments naririnig arte2x ko daw private pa sila nga survive naman daw lying-in. Pero sabi ko ni singko wala. Naman sila bibigay sakon gastos ko lahat kaya kung saan ako comfortable doon ako..
mi same na same tayo ng situation. ako naman sa December manganganak. hanggang ngayon pinipilit ako ng asawa ko sa public kase libre. e ayaw ko nga. lagi namin pinag aawayan yan. di ko na alam gagawin 😭 hindi naman sila ung manganganak, hindi sila ung makakaramdam ng sakit bakit sila pa mas nakaka alam kung anong mas okay?
Ikaw ang masusunod. it will help you. supposedly dapat doon ka manganak kung saan may peace of mind ka sa mga health care providers and OB. papansin yang asawa mo. kakairita. mas inisip pa ang pera kaysa sa mapayapang panganganak mo. bawal ka mastress mom. nadadamay si baby.
God bless you mom. pakatatag ka mom. 🙏🙏🙏 Pray for your husband also. haaays. sana cinonsider din niya feelings mo. ang pera kinikita ulit yan. pero un sama ng loob ng buntis, ndi nakakalimutan yan
Mommy since first baby nyo po ito mas safe na sa ospital ka po manganganak. You are considered high risk kasi wala pa po kayo history ng panganganak. Sa ospital po may mga doctor na po na available just in case magkaroon ng emergency habang ikaw ay naglalabor or right after delivery.
doon kanalang mie sa panatag ka . at Alan no na safe ka . ako share ko lang sa lying in lahat ng tatlong anak ko . walang pangamba . swerte lang din Kay hubby kasi ayaw nyako sa public.
kung lying in ka po mamsh tapos may philhealth ka naman yung sinabi mong 8k, pwedi naman yun ecover sa philhealth nyo po. Don po kayo kung saan kayu comfortabli.
same kaya ayaw ko sa ospital eh,,, madalang na ospital ngaun na maganda makitungo sa pasyente eh lalo kung wlang sapat na pera eh
roselyn