loneliness

Hello po mga mi. Normal lang ba sa buntis ang malungkot pag gabi? Mga naiisip ko walang nagaaruga saakin, feel ko di kami naalagaan ng baby ko ng asawa ko. sa totoo lang kahit masama pakiramdam ko, parang di ako iniintindi ng asawa ko. Mas nauuna ang sarili nya. Nauuna sya kumain. Pag sinabi kong ayoko pa, talagang iiwan nya ako sa kwarto kakain sya mag isa. Pag sa umaga nagluluto sya ng mga gusto nya kainin. No choice kaya kakain ako kahit ang oily, salty, sweets ng ulam kahit spicy pa nga. Sinasabihan ko sya what foods are healthy samin ni baby. Pero wala syang tyaga. Any advice po? #1stimemom

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Normal po due to hormones. And may mga lalaki kase na di talaga maalaga. So ikaw pa din talaga kikilos para sa inyo ng baby mo. Alam mo naman anong healthy anong hindi. Ikaw din mahihirapan if kakain ka ng bawal. Kawawa din si baby. Kausapin mo din asawa mo sa nararamdaman mo. Baka pagud lang din sya sa work kaya pagkelangan na nya kumain at matulog ginagawa na nya. Intindihan na lang kayo.

Magbasa pa

yeah.. ung drama moment na feeling mo kawawa ka.. hahaha gnyan din aq mamsh.. due to hormones lang daw.. pro wag mo din sanayin.. kc baka matuloy sa depression.. :)

Magbasa pa