hello po, mga mi nakaka buntis po ba yung semen galing sa cr? nag ooverthink po kasi ako delayed po ng 1 month yung mens ko, regular po kasi talaga ako. ganito po kasi yon kaya ako nag ooverthink. may tatlo po kasing lalaki sa bahay namin which is yung tatay ko at dalawa kong kapatid na lalaki. isang panganay 25 yrs old at yung sumunod sakin na 19 yrs old ako naman po ay 21 yrs old. i'm being honest po wala pa po akong any experience sa intercourse. ganito po kasi e, one time naopen ko yung phone ng 19 yr old na kapatid kong lalaki at sa history ng google nya puro PHUB. tapos yung kuya ko naman po galing sa cr tapos sumunod naman ako para dumumi. e may tumatalsik minsan sa pwerta pag nabagsak yung dumi. tapos pag labas ko nakita ko sa phone ni kuya havang naka upo sya sa sala may nag pop up sa yung gc na pang bastos😅. nakakatakot po kasi kaya ako nag ooverthink tapos delayed pa ko. #respectpost

13 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello! 😊 I understand your concern, lalo na’t first time mong ma-delay at may mga factors na nag-o-overthink ka. Pero hindi po nakakapag-cause ng pregnancy ang semen na nasa CR o sa mga surfaces. Para makabuo, kailangan directly mapunta ang sperm sa reproductive system sa loob ng katawan. Ang delay sa menstrual cycle ay maaaring dulot ng iba’t ibang factors tulad ng stress, hormonal changes, o changes sa lifestyle. Since regular ka naman dati, it might just be a temporary hormonal fluctuation. Pero para mas makampante ka, puwedeng magpakonsulta sa OB-GYN, lalo na kung magtuloy-tuloy ang pagka-delay.

Magbasa pa
4w ago

thankyou po🥺

Hi, okay lang po mag-overthink minsan, pero based sa situation mo, hindi po possible na magka-pregnancy dahil lang sa mga nangyari sa CR. Ang sperm kailangan direkta sa vaginal area para maging possible ang pregnancy, kaya hindi po 'yun mangyayari sa mga nangyari sa inyo. Siguro delayed lang ang period mo dahil sa stress or iba pang factors, pero kung gusto mo po ng assurance, magandang mag-test po para matahimik. Normal lang din magka-delay minsan, lalo na kung stressed o may emotional factors.

Magbasa pa

Hindi po:) madali po namamatay ang semen kapag ito ay nababasa ng tubig na may chorine or sabon lalo na't ito ay nasa maruming water. madali din ito namamatay once na nailabas at hindi direktahan... Ang pagbubuntis po ay direkta na nabubuo sa pamamagitan ng pagtatalik. kaya don't overthink na po:) kapag tuloy tuloy ang delayed menstruation mas maigi magpa check up dahil sign po ito ng ibang sintomas at hindi pagbubuntis kung wala namang pagtatalik.

Magbasa pa

Hello po, sa situation niyo, walang dahilan para mag-alala tungkol sa pregnancy. Ang semen o sperm hindi po makakapag-buntis kapag hindi direktang pumasok sa vaginal area. Kung nagkaroon ng sperm exposure sa ibang paraan, hindi po 'yun magdudulot ng pagbubuntis. Ang late na period mo ay maaaring dulot ng stress, hormonal changes, o iba pang factors. Pero kung gusto mo ng kasiguraduhan, pwede kang mag-test para masigurado na hindi ka buntis.

Magbasa pa

Naiintindihan ko po ang anxiety na nararamdaman niyo, pero hindi po possible na mabuntis sa ganung circumstances. Kung may sperm sa CR, hindi po 'yun magiging sanhi ng pregnancy. Delayed period po pwede dahil sa stress or other factors. Mas maganda po kung mag-test kayo ng pregnancy test para malaman ang resulta at magka-kasiguraduhan. Kung may ibang bagay po kayong concern, mas okay po na magusap kayong mag-isa or sa trusted adult.

Magbasa pa

Hi mommy! Huwag mag-alala—hindi po makakabuntis ang semen na nasa CR o surfaces. Ang delay mo ay maaaring dahil sa stress, hormones, o ibang factors. Kung patuloy kang na-de-delay, maganda magpatingin sa OB-GYN para makasigurado. Relax lang po!

hnd po ganun yun di po basta basta mabubuntis sa ganun na scenario at ang semen mabilis mamatay mga yan mabubuntis lang talaga pag natusok ang espada ng lalake sa iyong butas at doon pinutok

Hello po one month and 11 days delay ako pero nag pregnancy test ako negative naman buntis ba ako or assuming lang ako delay kasi ako pa help naman po

UPDATE: ok na po mga mi, may period na po ako kahapon pa po. thankyou po sa mga sumagot😊

hindi po sya nakakabuntis baka kaya po delayed ka e dahil sa stress o kulang ka sa tulog

Related Articles