First time mom
hello po mga mamsh, ask kolang po kung kelangan ng ipaconsult yung 5 mos old na anak ko may bulate po kase sa poop nya😌😌,pls. respect my post # firsttimemom


ipacheck up niyo na po yan mommy. medtech po ako at hindi po safe na mag pass sa stool/dumi ni baby ang ganyan kalaking bulate. aagawan niya sa nutrients si baby at delikado rin para sa iba niyang organs. please po make sure na palaging malinis ang mga humahawak kay baby. baka madumi ang kamay okaya naman ay baka may lupa po malapit sa paligid niyo, at baka na kain ni baby ang microscopic o maliliit na itlog ng bulati na hindi po nakikita ng mata. pakiusapan niyo po mga tao sa paligid na maging malinis palagi, at ilayo niyo po ang mga pets na maaring may bulati rin na pwedeng mag dala ng sakit sa baby. check up na agad agad mommy ASAP
Magbasa pa