Serpentina

Hi po mga mamsh, 17 weeks pregnant po, FTM din. ๐Ÿ™‚ Safe po ba uminom ng pinakuluan na dahon ng serpentina? Ang taas po kasi ng sugar ko, 187 ๐Ÿ˜ฅ. Need ko mapababa po to 92. Sabi ng mama ko effective daw sya pang pababa ng sugar kaso di ko po sure kung safe ba sya sa pagbubuntis. Wala rin ako mahanap na article masyado sa google. Thanks po sa lahat ng mga sasagot. Keep safe po satin lahat. โ˜บ๏ธ #serpentina #herbalmedicine #ftm #17weeks

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

pamparegla po ang serpentina. Alam ng OB mo kung ano ang dapat gawin para bumaba ang sugar mo. Siya po mismo mag papaliwanag po sa iyo nun. May buntis po ako nakasabay dati pag papaultrasound mataas din po sugar nya nag i-insulin sya. Yun daw ang reseta ng OB nya. Bago ka po muna mag herbal mag tanong ka muna po kay OB mo o sa health center na malapit po sa inyo๐Ÿ™‚

Magbasa pa
4y ago

huwag ka po mag pa ka stress mommy. saka huwag muna isipin yun ang mahalaga lagi ka pong nag papacheckup kay ob mo para ma monitor si baby. Ngayon po na alam mo na po pag paiinumin ka ng parent's mo nun ay mag kunyarian ka na lang na nainom muna pero itapon mo ng di nila kita. Huwag ka din po kakain ng ubas at mangga. Saka less rice po muna. Have a safe delivery momshie at healthy na lalabas si baby๐Ÿ™

mamsh tumaas din sugar ko.Pnagstrict diet ako ni ob at pinagmonitor ng sugar.Ang almusal ko,itlog nilaga at whole wheat bread.Lunch at dinner ko tig kalahating cup ng rice at gulay o kaya mackerel o salmon.iwas ka sa mamantika,matamis at maaalat.Yung sitaw at salmon belly ang ganda ng epek.

4y ago

thanks po mamsh. sige po try ko rin ginawa nyo po ๐Ÿ™‚

VIP Member

Sa sobrang pait nya it can cause miscarriage. actually nung nakunan ako at 8weeks although dina ako need raspahin as per my ob, ang ginawa ni MIL nagtawag sya ng hilot tapos pinainom ako ng serpentina kaya nung follow up ultrasound ko kay ob clear na ang matres ko. Its a big no sis

4y ago

Think happy thoughts do not stress yourself too much. I did not feel anything aside from dark brown spotting for 3days sabi ng MIL ko baka bawas lang pmunta ako sa ob pero wala sya that time pero dahil sa sinabi ng byenan ko di na din ako nagpa second opinion. Naalarma ako nung ika 3days kasi bloated yung tyan ko kaya pmunta ako sa ibang ob nagpa ultrasound ako. Dun ko nalaman na i was about to miscarry my child ang pumipigil nalang sa kanya ay yung pampakapit na iniinom ko. So that night i stop taking my prenatal meds then dun na ako nagbleeding. Complete MC kaya dina ako naraspa. Trust your gut feeling before trusting others opinion kagaya sakin pano kung sinunod ko ng sinunod ang byenan ko baka nabulok ang anak ko sa tyan ko ng di ko alam db?

Wag ka po iinom ng serpentina pag pregnant ka po. Ang advice sken ng midwife uminom ng nilagang tanglad then control na po sa kain ๐Ÿ˜Š 146 sa fba ko after a week ng tanglad 125 na lang. Wag ka din masyado ma stress sa pag taas ng sugar mo.

ano po pwede ko gawin? pinainom po kasi nila ako pero isang tasa lang naman po. need ko po ba magpacheck up or mag ultrasound po? ๐Ÿ˜“ sa Wednesday pa po kasi ang next clinic hours ng ob ko. ๐Ÿ˜“

4y ago

hrap tmaas ang sugar sis same tau mtaas sugar kya insulin n reseta s akin ng doctor

Patingin ka sa Obgyne sila lang nakakaalam ng safe na meds para sa sugar level mo..pag uminom ka ng serpetina baka malaglag ang baby mo or pag labas niya may birth defect siya.

hi mommy, pacheck ka sa OB mo.. then irerefer ka sa Endo para mamonitor yung sugar mo.. usually diet lang po pero kapag di tlga bumaba.. baka bgyan ka insulin..

VIP Member

not safe kc super pait, yung iba ini inom yan para reglahin. pa check ka sa ob mo momsh just to make sure na walang effect kay baby..try mo mag low carb diet.

VIP Member

wag ka pong iinom ng kung ano ano mommy kasi pwede kang makunan mag search ka nalang po ng mga prutas na pwede mong kainin para bumaba sugar mo

VIP Member

hala mommy.. sobrang pait niyan. di safe sa buntis. ๐Ÿ˜ข sana ok lang kayo ni baby mo, wag ka po muna magherbal, at wag magself medicate..

4y ago

thank you po mamsh. ๐Ÿ˜Š mejo nasstress na nga po ako. sana ok lang po si baby sa loob ko. ๐Ÿ˜”