Well Care Lying In

Hello po mga kamommy's! Share ko po ung experience ko kahapon. Check up day ko since 38 weeks na ko need na talaga ung every week na PNC para makasiguro. Then, IE scene na. Sabi ba naman nung isang midwife buhok na daw ni BB ung nakakapa nya e, 1-2CM palang daw ako then pina-IE nya rin dun sa isa pa nyang nakaduty para makasure na un nga ung nakakapa nila. Ang conclusion nila, ulo at buhok na daw ung ng bata. Tapos panay tanong sila sakin kung ano oras pumutok ung panubigan. Sabi ko, walang ganung eksena sakin kaya di ko din sila masagot talaga, tas sabi nila need na daw ako sa hospital na magpunta kasi nga di daw normal ung ako mismo di ko alam na pumutok ung panibugan ko. Nirerecommend nila ko sa private partner hospital nila kaso di kakayanin mg badget na halos 40k+ kapag naCS ako. Kaya naluluha na ko nun kasi FTM ko, tas ganun ni hindi ko alam na pumutok ung panubigan ko. At that time, 3.1grams si BB. Then buti kasama ko ung husband ko sinabi ko kanya ung sinabi nung mga midwife while hodling thr referral form galing sakanila. Sabi ng husband ko, totoo ba? Lalabas na si BB? Sabi ko, hindi ko alam kasi wala talaga ako naramdam. Tas umuwi kami, sinama namin si mama, pati tuloy mama ko nataranta. Kasi pag usapang panubigan daw baka di na makahinga ung bata. Napapad kami ng RMC kaso punuan kapag siniksik namin ung sarili namin dun possible na maihalo ako sa mga covid+. So taxi again, PCGH naman pinuntahan namin, punuan din sakanila tapos may mga ward daw sa pregnant area na PUI, hindi na ko pinaakyat ni mama kasi mahirap na. Tas nakatitig sakin si mama, mataas pa naman daw kc ung tyan ko tapos nakakalakad at ni hindi nga daw nya makitang namimilipit ako sa sakit. Kaya sabi ni mama, magpa2nd opinon kami. Then, ayun. Nakahanap kami ng hospital lying in clinic na open pa para sa PNC. Chineck nila ko dun, syempre IE talaga ung gusto ko na gawin sakin para malaman kung un nga talaga ung nakakapa. Sabi ng OB, OB mismo nag IE sakin. Wala daw sya nakakapa na gaya ng nasa kwento ko. Kasi madulas daw, kapag buhok daw ang nakakapa sa cervix-magaspang dapat. Nakahinga ako ng malalim, tas mejo naluha ako kasi Ok ung BB ko. Tas binigayan nya ko referral form para makasure at di dw ako mangamba tungkol sa panubigan. MagpaBPS daw ako. Kasi may pasyente pa sya that time kaya di din sya pede magtagal. And today, ayun. Nakuha ko nga agad ung result dun sa clinic na binigay ni OB. At ang saya ko na, normal ung panibugan o amniotic fluid nya. Pinakita pa sakin dun na ok naman si BB, parang nagko-close open kanina habang inu-ultrasound ako. Kaya ayun, chinat ng husband ko ung well care clinic. At pinakita ung result. Ang sagot nila " buti naman po" tas ang balak sana ni husband dun parin ako manganak kasi malapit lng dito samin. Para kasi sakin, wag na. Sa iba na lang kasi, dun palang sa pagkakamali na yun mawawalan ka ng tiwala. Then, ito pa ng makita nila sa result ngayon na 3.5grms na si BB, parang nagdadalawang isip sila na tanggapin ako ulit. Feels ko sa chat nila. Kapag ba 3grams+ na si BB, need na ba iCS? Tingin ko kasi takot sila maghandle ng halos ganun na ung weight. Pero sabi naman ng OB na kausap ko kanina, hindi dw literally na 3.5 ang BB ko kasi nakalutang pa daw sya sa tubig.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Well for me hnd na ako babalik dun sa lying in na pinang galingan mo sis kasi db if well experience na sila dpt alam nila kaibahan ng buhok ba un ng bata or whta tulad ng ob na nag checkup sayo. Hnd na sila katiwa-tiwala eh. Ako kasi no sign of labor sis 4cm nung first IE ng ob ko kaya mahirap masabi tlaga if naglalabor na ba or hnd eh. Sa weight ni baby estimated lang un pero ung iba nakakaya na mainormal ung ganyan weight ni baby if malaki ang dadaanan ni baby (sipitsipitan yata tawag dun) kaya diet ka na sis.

Magbasa pa
4y ago

Salamat sis! Pinaluwag mo pakiramdam ko. Kaya ito, hahanap kami ng bago ni husband na mapagchecheck up'an para tuloy tuloy ang maintenance ni BB habang di pa nakakaramdam ng hilab or any. Salamat ulit ♥