Breastfeeding tips

Hello po mga ka breastfeeding mommies Ano po ginagawa nyo para continues ang supply ng milk nyo? 1month na si LO. Gusto ko po sana mag breastfeed kay baby hanggang 1 y/o. During 1st week after ko manganak grabe yung engorgement ng breast ko habang nasa nicu si baby nakaka pump ako every 3hrs ng 60-150ml. Ngayon na exclusive breastfeed at di na ko nakakapag pump hindi na nag-swollen ang breast ko, Every hour ang latch ni baby minsan natagal ng hrs dighay lang ang pahinga. HUMINA PO KAYA SUPPLY KO? Natatakot ako mawalan ng gatas lagi pa ko binabati ng mga matatanda na wala na daw ako gatas kasi di na maga, kasi nainom daw ako ng malalamig. Nakakadagdag stress. Pahingi po ng advice sa mga nagpapadede hangang lumaki baby nila, paano nyo po na sustain ang needs ni baby? Thank you so much po #FTM #breastfeeding #tips #help #newborn

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So hangga't naka-unlilatch si baby at hindi po naka-mix feed ay hindi po mawawala ang milk supply nyo ☺️ Also, ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's output (poops, wiwi, pawis), at NEVER sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas/ laki ng dede. After a few weeks post-partum ay nawawala na po talaga ang breast engorgement dahil stable na ang milk supply nyo, unlike nung una na nao-oversupply pa at makirot. And remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ (https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/)

Magbasa pa