Don't mind them mommy, ganyan naman talaga kadalasan sinasabi ng mga 'nakakatanda' kesyo dapat daw hilotin para pumwesto si baby, para di daw mababa. Sa akin nga mas malala, mismong mother ng partner ko sinabing "WRONG TIMING" daw si baby at excited pa akong nagsabi sakanya nun ha pero ni congratulations or bahid ng tuwa wala talaga. Tapos nung nasa hospital kami kase na-disgrasya si partner, nalaman² ko na lang na kung kani kanino niya na pala pinagsasabi na professional naman sana daw ako/kami, di daw namin ginamit napag-aralan namin, madami daw namang contraceptives dyan at madami pang pasalin na salita to think na 26 na si partner at may stable job at ako 24 na at nagma-masteral na. Makabitaw ng salita para na man kaming mga menorde edad🤦 Pano ba naman, yung partner ko eh breadwinner ng pamilya nila, laging tigasalo ng problema kahit ng mga kapatid niya lalo na in terms of financial na. Kaya pati tuloy sa magiging baby namin nate-threat ata kase di na siya(Mother ni partner) gaanong maaabotan ng pera tuwing sahuran, di na siya makakapagpabili ng kung anu-ano. Nag-iba bigla yung treatment sa akin nung nalaman niyang buntis na ako. Nakaka-stress at naka-depress pero pinipilit kog wag na lang pansinin alang-alang sa baby ko kase di healthy yun. BTW, di ko na rin sinabi kay partner kase ayoko ring ma-stress siya at ma-torn in between. Ang hirap makisama lalo na pag yung nanay eh masyadong 'madaming alam' at gusto laging nasusunod yung gusto. Pero ang importante eh Love na ako/kami ni baby ng partner ko at excited na siya na finally may tatawag na sakanya ng 'Papa'. ❤️
dont mind them mastress ka lang .. mga gnyang tao di yan makakatulong syo soon sure ako jan ska hayaan mong kumuda sila ng kumuda wala nmn silang magagawa katawan mo yan di nmn ppwedeng hilutin bast bst ang tiyan para ituwid ang posisiyon niyan kusang iikot yan nsa 23 weeks ka palang nmn eh maaga pa may ilang linggo pa ako nga cephalic @24 weeks may chance pa din n mabago pero hoping na wag na siya umikot para nakacephalic n siya hanggang mailabas ko .. wag ka mgpastress sa mga yan haha
ft din 23 weeks din at breech pa, nagworry ako at first,sa ibang tao ko pa narinig yung ganyan pero yung family lalo na hubby ko very supportive. lagi nila ako nireremind na wag mastress at iikot pa.. makinig lang ako sa ob ko. kaya mamsh lagi ka dun sa mga taong nagmomotivate sayo at nagsusupport sayo. di mo need lahat ng tao ay maplease. Kaya yan. Hugs and prayers para sa matatag na kalooban mommy.
ty mhie
wag mo na lang po sila intindihin, hindi naman sila Doktor. Wala naman sila ambag sa pagbuo ng bata, sila pa maopinyon... 🤣🤣🤣 Ignore mo na lang mga sinasabi nila na di maganda... The more na iniisip mo kasi lalo sasama loob mo.. Focus ka na lang kay baby, para mas maging healthy pa kayo both... Godbless
ok po.. thankyouu
do not mind them mami, mas pagtuunan mo self mo ang si LO tsaka yung advices from you clinician/OB. it'd not being disrespectful or what pero mas okay at makakatulong yun sainyo ni LO kung no stress hehe after all ikaw at ikaw ang nagdadala hindi sila.
ok po.. thank you
same Po 23weeks sakin sa gilid lang din sa left side ko sya nararandaman lagi baby boy din hehe hayaan mo Sila mi bst aam mong healthy c baby di Naman Sila doctor ehh
kusang ppwesto ang baby Pag malapit kana manganak. lumang kasabihan na ang magpahilot. baka mapasama pa Pag pinahilot mo yan kasi masyado Pang maaga ..
oo nga po ehh .. kaya nga po ayaw ko talagang magpahilot
Nasa gilid palang po talaga ang baby iikot din po yan o gigitna pag mejo masikip na sa loob kasi ngyon malawak pa yung nasasakupan po niya
Raine