Hello po, maglalabas lang ng sama ng loob, sino dito yung same case sakin na nakikitira sa poder nung mga magulang ni LIP ? Sobrang hirap talagang makisama sa mga taong feeling perpekto, konting kibot napapansin, ke gumawa o tumulong ka sa trabahong bahay may nasasabi. 29weeks and 3days preggy na ko, and as of now nandito kami ng LIP ko sa mga magulang nya nakikitira. Diba parang sobrang O.A naman na, simple o maliit na bagay lang binibig deal nila, lalo na yung hindi ko paglabas labas sa kwarto kasi nga maya't maya ako inaantok, may nasasabi sila. Kapag di kami sumabay kumain sa kanila may nasasabi sila, di mo lang sila kausapin saglit may nasasabi sila. At ang pinaka nakakainis pa is halos yung MIL/sila na lang yung magdesisyon sa buhay naming mag-asawa, lalo na sa Civil Wedding namin. Lahat sila din ang nasunod, kung sino ang mga dapat kunin na Ninong at Ninang, (worst at nakakahiya pa yung MIL ko, sinabihan pa nya yung mga Ninong at Ninang na perahin na lang daw ang ibigay samin, dahil nga manganganak daw ako, naiintindihan ko naman pero kasi nakakahiya pa din yun syempre dapat hayaan nya na yung mga Ninong at Ninang ang magdecide kung ano ang ibibigay nila diba). Isa pa yung gusto nila IpaCATER, e wala nga kaming ipon ni LIP, buti sana kung magbibigay sila, e imbis nga na nakakaipon kami ni LIP ko, apura hiram ng Mama nya ng pera tapos di naman pinapalitan (kaya nakakadala kapag nanghihiram ulit at sasabihin na papalitan) nakakainis pa kasi kung umasta sila akala mo mayayaman. Ipinagyayabang pa na Cater yung kasal namin sa mga kapit bahay, e wala pa nga kaming pang down sa Cater. Sobrang hirap nilang pakisamahan, mga feeling perpekto kahit sa LIP ko naaawa na din ako sa kanya kung tratuhin sya dito sa kanila, daig pa nya yung sa Bangko nagtatrabaho ! Lalo na yung Ina nya, kapag di nabibigyan ng pera, lagi na lang wala sa mood at apura diwara, tapos kung ano ano pa sinasabi na wala sa lugar. Tapos minsan tira tira pa yung kinakain namin ni Hubby lalo na sa gabi, kasi nagluluto na lang sya kapag alam nyang paalis na yung LIP ko, sobrang hirap makisama. Yung pera kasi na pampagawa dapat sa simple at maliit na bahay namin ni LIP, hiniram nila pati yung nakuha namin sa AYUDA halos sa kanila lang din napunta, ang sabi nila ipandadagdag daw sa pampagawa ng bahay, pero halos kalahating taon na yung bahay na inaasahan ko, ayun pader pa lang -_- ! Minsan naiiyak na lang ako sa sama ng loob, minsan sinasabi ko kay LIP na maghiwalay na lang kami, kasi walang mangyayare sa buhay naming dalawa kung iba yung nagdedesisyon at nasusunod sa buhay namin. Panganay kasi si LIP ko sa kanilang magkakapatid at bata pa sya, mas matanda ako sa kanya, kung di lang dahil sa mga MAGULANG nyang pakialamera, masasabi ko na sobrang responsable nyang asawa, ginagawa nya lahat para sakin (except lang yung kontrahin yung magulang nya). Ako yung swerte sa asawa pero malas sa mga Byanan lalo na sa MIL ko, kahit buntis ako gusto nya pa rin na gumagawa ako sa bahay. Tapos yung mga VITS na nirereseta sakin ng OB ko di ko mabili dahil lagi nyang kinokontra, kahit yung Milk na dapat iniinom ko, sabi nya okay na daw yung Bear Brand dahil ganun lang din daw iniinom nya nung nagbubuntis sya. Ang hirap, kung pwede lang at may mapapasukan akong trabaho para mabili ko yung mga dapat para sa isang buntis, kaso ang hirap humanap ng trabaho dahil bukod sa buntis ako may pandemic pa 😪😪😪😪. Sobrang bigat sa loob, sobrang bigat dito sa dibdib ko, pero wala akong magawa kasi nakikitira lang kami sa kanila :'(
#1stimemom #advicepls
Anonymous