Brown Discharges

Hello po. I'm already at my 22 weeks now, and still nakakaexperience pa din ako ng brown discharges. Simula 6weeks nagtake na ako ng Duphaston and inabot ng 2 months, 3x a day. Even yung Heragest natry ko din. Nung medyo naging heavy ang discharge and sumakit puson ko, nagpacheck up ako and nalaman ko na Placenta Previa Totalis ako so pinagtake ulit ako ng pamparelax naman which is Isoxilan for 2weeks, 3x a day and bed rest. After that and nung huling check up ko which is nung Jul 30, pinatigil na ni OB ung Isoxilan kasi wala naman ng nakita na contractions pero sinabi ko na may mga brown discharge pa din ako pero paunti unti lang and wala ng sumasakit saken. Ganun pa din naeexperience ko til now pero hindi naman na lagi and nakakaramdam lang ako ng sakit sa puson or tyan na tolerable naman pag naglakad ako ng medyo malayo or nakatayo ng medyo matagal tagal lalo pag need lumabas dahil may need bilhin. And nararamdaman ko naman galaw ni baby lalo pag sa gabi na. Kayo po ba, every discharges po ba na kakaiba eh nagpapaconsult agad kayo sa OB? Dagdag po kasi sa gastusin din ung madalas na pagbalik sa OB lalo na mas iniisip mo yung possibility na baka maCS dahil sa maselan na pregnancy kaya yung for check up minsan sinesave na lang. #1stimemom #firstbaby

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi mommy nasa 13 wks na ko ngayon normal ba yan na brown discharged ?

2y ago

Not normal Momsh.. You really have to consult with your OB lalo na 13weeks ka pa lang. In my case, kahit wala pa akong brown discharges lalo nung 1st trimester nagtake na ako ng pampakapit para sigurado at hindi ako lalong magoverthink 😊