First time mommy po please help me 🥺
Hello po I'm 6 weeks and 5 days pregnant po. First ultrasound sabi ng OB ko healthy naman si baby and normal ang heartbeat. But I'm confused po kasi folic lang ang naibigay sakin. Sa kakamadali ko rin po kasi di ko naconcern na I'm still working po and araw araw ako bumibiyahe (commute and joyride) may possibility ba na makunan ako. My question po is pwede po kaya ako mgrequest ng pampakapit?

Hi, Same working mom here. 7 weeks ako nung ultrasound then niresetahan agad ako ng pampakapit at folic acid. pati din sa pagsusuka at pagaasim ng tyan. If ever na babalik ka ilista mo lahat ng need mong itanong. Like is it okay na nag commute ka everyday going to work? mga bawal at di dapat gawin para di harm ful kay baby(actually sila na nagsasabi neto lahat pati kung working ka or hindi, nilalagay nila yon sa record, Idk sa ibang OB), Gatas na iinumin? Mga skin routine or application na bawal? When next check up? foods na bawal? Position ng pagtulog? Mga radiation appliances na bawal? Pati pag inom everyday ng tubig sinasabi nila yan kung ilang baso or liters. Sakin kase more than 8 glasses sa normal kase constipated ako. and so manyyyy. you can search po the others and access your situation qnd happenings ng ano pa pwede itanong. ilist nyo po lahat ng tanong para di sayang punta at time nyo sa OB.
Magbasa paSa first trimester po folic acid lang po muna talaga nirereseta nila. Kung may other concern po kayo magsabi po kayo agad sa OB nyo lalo na kunh first time mom pa lang po kayo. Mahirap po para sa isang buntis ang palaging byahe doble ingat po. Hindi po pare parehas meron na kinakaya ng katawan. Ang ma-advice ko lang din po mag update po kayo sa OB nyo agad kung sakaling may nararamdaman kayo at mag stick lang po sa iisang OB na pagkakatiwalaan mo para maalagaan kayo parehas ni baby. Wag din po basta iinom ng mga gamot na hindi nireseta at sundin ang mga advices ng OB 😊 Keep safe po sa inyo palagi ni baby nyo ❤
Magbasa payes ask mo si ob. explain mo na for work daily commute ka and medyo tagtag ang byahe. meron yan irereseta sayo. saken nun progesterone. 1 iniinom kapag nagccramps at 1 pinapasok kapag sobra ka pagod and/or nagka spotting. niresetahan ako kasi nagfi field work ako at madalas maraming lakad sa project site at pagod.
Magbasa paFolic lang tlga nyan tapos kalaunan calcium at fish oil. Kung kaya nyo po iwasan ung pagmomotor hanggang sa next check up nyo tapos mag ask nlang kay OB. Sakin nun nag spot bleeding pero wala nman binigay na pampakapit. Healthy rin baby nung lumabas.
ok lang naman po, ganun din po sakin folic lang, as long as wala namang nakikitang problema sa baby ok lang po yan... pero once na may maramdaman kayo na mejo alarming balik po kayo sa ob para maresetahan kayo nang progesterone...
Sabihin mo po kay OB ang situation mo now mommy. Tsaka may mga healthy pregnancy naman na kahit araw araw bumabyahe, healthy ang baby. Pero to be sure, balik ka sa OB mo.
Ganyan talaga beh. Nung 6weeks up to 15 weeks ang iniinom ko heragest, folic and vitamins with minerals. Ngayong 16 weeks na ako may calcium na