Deadma na lang o may pakialam ba dapat?
Hi po. I'm 35 weeks pregnant po right now and a mom of three, (soon going to be four). Actually po hnd po related sa pagbubuntis ang itatanong ko po. Ganito po kasi yun, d nmn po ako masyadong mahigpit na asawa, binibigyan ko naman po ng pagkakataon ang asawa ko na makipag socialize o makipag inuman sa ibang tao. Pero madalas po masyado po akong affected pag nakikipag inuman po sya,hindi lang po ngaun na buntis ako kahit dati pa po na hindi naman ako buntis, nagagalit at naiinis po ako kapag nakikipag inuman po sya sa iba. Pero kapag andito lang naman po sya sa loob ng bahay at nag iinom hindi naman po ako naiinis. Masama po talaga ang loob ko, pakiramdam ko po mas pinakikinggan nya yung nag aaya sa kanya uminom kesa sa akin kasi hindi nya mahindian o hindi sya maka iwas o tumanggi man lang sana dahil alam naman nya na nagagalit ako. Pinagdarasal ko na lang ang nararamdaman ko, gusto ko na lang sana pawiin na lng ni Lord ang nararamdaman ko pra hnd na lng ako masyadong maging apektado. Ano po ba sa tingin nyo mga mommies?ganito din po ba kayo?ano po ba ang dapat gawin? Salamat po sa pagbabasa ng kwento at salamat po sa sasagot