Breastfeeding

Hi po. i’m 34 weeks pregnant po 1st time mama. worried ako na hindi po ako makapag breastfeed kay baby or walang lumabas.baka po meron kayong ma recommend gawin or mapayo paano mag lactate pra mag breastfeed.meron po ba kayo mga iniinom po ba tulad ng mga supplement pra pamapdami ng gatas? Salamat po.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

paulit ulit po ang ganitong concern dito halos everyday po.. again po, as early as 16-19weeks nagsstart na magproduce ng colostrum ang breasts natin... di yan lalabas hanggat di po lumalabas yung may need nito, which is si baby mo... continue being healthy, magiinom ng tubig, magsabaw.. at wag pakastress po sa mga bagay na di naman dapat ikabahala hanggat di pa lumalabas ang baby mo. ang breastmilk meron na yan sa suso mo.. wala pa lang sa right time para sya lumabas. gets po ba? wag kang mastress kung may mga nababasa ka na yung iba buntis pa lang may leaks na, iba iba yan.. bottomline kasi lahat ng nanay may gatas talaga. nasstimulate ang pagrelease ng breastmilk dahil sa mga hormones na oxytocin (present during your panganganak) at prolactin (pag nanganak ka na at naglatch si baby mo plus skin to skin contact po) Relax ka lang at enjoy mo yung remaining weeks ng pagbubuntis mo.. prepare for your safe at healthy delivery, watch videos pano ang tamang pagpapasuso at pagcare after manganak, yan ang mas magandnag gawin. Godbless po.

Magbasa pa