Transverse Position
Hello po, I'm 23 weeks pregnant na po, nag pa ultrasound po ako last Saturday para sana sa gender ni Baby kaso sabi ni OB masyado pa daw maaga para malaman ang gender and naka transverse position si Baby. Ano po pede gawin para umayos po ng pwesto si baby? Kase sabi din ni OB, ma CS daw pag ganun ang position ni Baby. Thankyou po. FTM po ako
Ako 20 weeks hindi nakita kasi nakacrossed legs, then breech. After a week nagpa utz ulit ako pero sa ibang clinic, kita na and breech pa din. So depende sa position ni baby kung magpapakita yung gender or hindi. Ang advice saken ng doctor, magpatugtog daw ng sounds sa may bandang puson, para sundan ni baby yung sounds. Ginagawa ko yun for 2 weeks na. Next month utz ulit, sana cephalic na.
Magbasa pafeb 1 2023 ang huling period mga may 5 hanggang 7 tuloy2 nag inom alak may epekto kaya sa pinagbubuntis. hindi alam na buntis nung nag inom ng alak. sabi nila magka birth defects ang bata. may naka experience ba ng ganito
23 weeks here and breech position pero iikot pa naman daw si baby, kausapin mo si baby na umikot at manormal sana delivery. hindi ko pa din alam gender gawa ng nakatakip pa ang paa. hopefully next month makita na
Depende po talaga sa pwesto ni baby ako kasi 14 weeks sa last mens 16 weeks sa ultrasound nakita na agad gender pinaulit ko nung 18 weeks ako ganun ulit gender haha
Kaya nga po nagtataka din ako sabi ni OB di pa daw sya natingin ng gender pag mga ganitong week. Baka sa ibang OB na lang po ako magpa check up hehe
ako po in 20weeks nakita na gender baby kAsi nakaayos sya. Wala Naman po sigurado dapat gawin Muna para ayusin si baby matagal ka pa Naman po
Mi, patugtog ka ng music for baby sa puson mo banda tas sa gabi mag flashlight ka din po sa bandang puson. ๐ฅฐ
kusa pong papalit position c baby mii . no worries. pg gnyn usually baby gurl c baby kya d mkita gender
aq 23weeks nkita na gender ni bby and so far nd rin po sya breech๐ซถ๐๐ฅฐ
ako po 18weeks nakita na breech position din po