Mens o Postpartum bleeding?

Hello po, ika 6 weeks ko po pagkatapos manganak. Di na po ako dinugo nung nakaraan, discharge na lang na yellow. Tapos kahapon po e may dugo ako. Hindi po ako sure kung mens na to. Hindi na din po ako nag papa breast feed, mahina po kasi e at ayaw po sipsipin ni baby dede ko. Kapag po ba hindi nagpapa breast feed, mas mabilis magka mens? Thank you po! Nag oover think din po ako kasi bumuka po nun tahi ko. Iniisip ko baka di pa hilom sugat ko, hindi na bumalik sa dati yung hiniwa kaya ako dinugo ulit. :'< Sa Breast feeding naman po, naka bukod na po kasi kami. Yung partner ko po nag wo work na. Ako na lang po mag isa nag aalaga kay baby. Stress po, pagod, puyat at hindi po ako naka kain ng tama sa oras. Kasi mas gusto ko na lang magpahinga kesa kumain. Ginawa ko na po noon lahat para lumakas gatas ko. Uminom ng milo, nagpa pump ng dede, uminom ng malunggay capsule, nagsabaw with malunggay kaso ganun pa din po. Kaya ngayon po pure Formula milk si baby. Nakaka stress po na hindi ko masupplyan si baby ng gatas. Isang buwan lang siya naka tikim ng gatas ko, ang konti konti pa. #menstruationaftergivingbirth #pospartumbledding #breastfeed

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

importanteng kumain at uminom ng maraming tubig to replenish ang milk supply, atleast 2L water per day. mas maagang bumalik ang period sa mga mommies na minsan or hindi nagpapabreastfeed. pero observe muna kung lochia pa rin or period na. i experienced na nawala ang lochia pero bumalik. bumalik ang period ko at 8months postpartum, mixed feeding. consult OB sa bumukang tahi.

Magbasa pa
8mo ago

thank you!! ❤️

try Milo and oatmeal momshie it works for me or kape bigas pampa boost ng BM