ano po ba ang dapat kong gawin?

Hello po. I just want to ask. I'm only 20 years old. I'm 5 months pregnant and di pa kami nagsasama ng partner ko even though gusto na namin parehas, ayaw pa kasi ng parents ko na magsama kami, pero allowed naman sya bumisita dito samin. Di pa po kami kasal. Saan po ba talaga dapat ako ngayon naka stay? Any thoughts po? :) Medyo nahihirapan na din po ako sa sitwasyon ko kasi pag naman sinabi ko po sa parents ko na gusto na namin magsama, lalo lang po sasama ang loob nila sa akin at ayoko naman po madagdagan ang sakit na naibigay ko sa kanila. And yung mga future in laws ko naman po gusto nila na sa kanila na ako tumira para din maalagaan din daw po nila ako, at sumasama na din po yung loob jila sa akin. Torn between sa kagustuhan ko or obeying my parents☹️

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy same situation tayo before, 19 lang non nabuntis ako.. Napagdesisyunan din ng parents ko noon na wag muna kami magsama ni husband, kasi ngaaral padin ako non, sabi nila mas mainam na wag muna magsama, pasyal. Pasyal nalang muna sakin si hub or ako paminsan uuwi sknla. Kasi once nagsama na daw kami baka d ko na matapos pagaaral ko and dumami agad anak namin.. Pero ganon na nga gusto din ng inlaws ko na sknla n ko tumira, so ang ending nasunod ang inlaws ko dahil na din s kagustuhan ko mksama ang asawa ko. Pero sa totoo lang habang tumatagal nagsisi ako na nakisama nako agad s asawa ko and inlaws, ksi mahirap pala pag nagbubuntis ka at nakapisan ka, hndi ka makakilos ng maayos hndi ka makainarte o matulog ng kng anong oras ng gising na gusto mo, ksi nga nakikisama ka lang, hndi ko n din natapos studies ko kc nga dumami n nga din ang anak nmin. Ayan momi pagisipan mo shinare ko lang ang experience ko, actually mas masarap buhay ko non asa parents kopa ako. Kesa non nakisama ako agad s husband ko. Dami mo kelangan pakisamahan once tumira kana s inlaws mo.. At bata kapa un mga ganyan edad at situation mdalas emotional pa. So kung ako sayo sa parents kana lang muna.

Magbasa pa
6y ago

Ranas ko din yang di ako makapag inarte! Hahahaha! 😂Tapos yung pag gising. Maaga kasi nagising mga Inlaws ko so dapat diba makipagsabayan ka nakakahiya naman na sila nag iingayan na ang kaldero pero ikaw nakabukangkang kapa sa higaan. 😂 May time na pati pagkain ihahanash. Yung ulit ulit nalang. Talagang pakikisama at pasensya ang baon mo. Ganern! 😂