ano po ba ang dapat kong gawin?

Hello po. I just want to ask. I'm only 20 years old. I'm 5 months pregnant and di pa kami nagsasama ng partner ko even though gusto na namin parehas, ayaw pa kasi ng parents ko na magsama kami, pero allowed naman sya bumisita dito samin. Di pa po kami kasal. Saan po ba talaga dapat ako ngayon naka stay? Any thoughts po? :) Medyo nahihirapan na din po ako sa sitwasyon ko kasi pag naman sinabi ko po sa parents ko na gusto na namin magsama, lalo lang po sasama ang loob nila sa akin at ayoko naman po madagdagan ang sakit na naibigay ko sa kanila. And yung mga future in laws ko naman po gusto nila na sa kanila na ako tumira para din maalagaan din daw po nila ako, at sumasama na din po yung loob jila sa akin. Torn between sa kagustuhan ko or obeying my parents☹️

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang first question is kaya niyo na bang buhayin ang sarili ninyo at ang bata? Yung tipong pag bumukod kayo e hindi na kayo hihingi ng tulong sa magulang whether financial man o mag aalaga ng bata. Kung ang sagot ay hindi, then follow the rules na lang sa bahay ninyo. Siyempre masakit din sa magulang mo na nabuntis ka tapos hindi ka pinakasalan tapos ili-live-in ka lang. Walang magulang ang maghahangad ng ganun para sa anak nila. Kahit ikaw siguro sa mgiging anak mo, ayaw mo yun diba? Alam ko nakaka-excite yan dahil feeling mo love niyo isa't isa at may pamilya na kayo at parang pelikula pero pag nagsimula na ang mga problema, susubukin ang pagsasama ninyo. Kaya kung ako sayo kung naging mapusok dati, slow down na lang muna hanggang ready na talaga kayo sa commitment ng pagsasama.

Magbasa pa
6y ago

Oo nga lalo na mga bata pa, baka kasi isipin nila maganda ang buhay pag nag asawabor nagsama na kayo ng bf mo sa iisang bahay, nako mahirap lalo na kung walang work pareho.