Is this depression? 😢

Hello po. Hope someone will respond to this. Sa lahat po ng nakaranas at nakakaranas neto please po enlighten me. Almost two months na po akong nakapanganak at may mga times na nauubos ang pasensya ko sa baby ko pag iyak sya ng iyak lalo pag wala po akong tulog sobrang nilalamon ako ng guilt pag nakakaramdam ako ng inis alam ko sa sarili na mahal na mahal ko ang baby ko pero diko maiwasan di mainis minsan. Madalas akong naiiyak at mga thoughts na sumasagi sa isip ko after ko magalit na parang gusto ko ng mamatay huhu. Normal pa ba sa bagong panganak etong nararamdaman ko? Sana po matulungan nyo ako at sana mabigyan nyo din ako ng tips kung pano ko ihahandle ang baby ko na madalas umiiyak at iritable. #advicepls #1stimemom #firstbaby

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy i have depression and anxiety bago pa ko magbuntis.. At mas lumala pa yun talaga dahil sa pandemic. At nito nanganak ako 3mos na si baby ko ganon pa rin meron ako postpartum depression lalo na nung kakapanganak ko palang na nahiwalay ng 7days si baby ko sa akin dahil nag stay pa sa Nicu.. Lagi ako umiiyak ng walang dahilan til now.. Pwede mo yan iconsult kay Ob mo mi siya naman magrrefer sayo kung kelangan mo magpacheck sa psychiatrist or dapat lagi ka may kasama at kausap habang nag aalaga kay baby para di mo maisip mga nega.. Yung kalungkutan ko mi dinadivert ko sa ibang bagay ayaw ko lamunin ako ng kalungkutan at kawawa si baby. Hinahayaan ako ni mister ko mag oorder ng kung anu2x sa shopee araw2x ata may checkout ako from shopeelive😅 alam niya kasi yun ang kaligayahan ko haha magastos na kaligayahan😆 Mii si baby yakapin mo lang siya iyakin talaga sila kasi naninibago pa yan sila sa outside world.. Pwede mo pa siya iswaddle basta hindi pa nakakadapa.. Ingat lagi mii kaya natin toh😊 wag tayo papadala sa emosyon natin.. Mag checkout ka na din sa shopee charis😆✌️

Magbasa pa