about family

Hello po. Hingi lang po sana ng opinion po ninyo regarding to my situation. Me and my partner nagsasama na kami for almost 8 years, I am currently pregnant din to my 2nd child. Nakaschedule na kasal namin next week, Civil Wedding. Very few lang nakakaalam ng wedding namin, 2 of his friends, parents niya and my 2 sisters plus cousin. Ayaw ko ipaalam sa parents ko and sa kamag anak ko dahil hindi naging maganda yung mga nangyari samin last year when it comes to communication and financial. Broken family din po kami simula pa ng bata pa ako. And then my soon mother-in-law kinakausap niya ako (in calm way naman po) na sabihin ko daw sa parents ko at sa kamag anak ko about sa wedding ganyan. Pero kasi hindi sa ayaw ko sila idisregard sa mga happenings ko sa life, nasaktan po kasi ako ng sobra. I even give them multiple chance and accepted them pero hindi pa din sila nagbabago and yet they become worse. Even nung binyag ng 1st child ko wala man lang pumunta kahit isa sa side ng Mother ko, they even offer to help daw pero di naman sila nagpunta. Hindi naman ako lagi nagtatanim ng sama ng loob sa kanila kasi madalas nakakalimutan ko yung mga nangyare or isinasantabi ko lang lalo na kapag kaharap ko sila. Pero last year kasi di ko na kaya maging mabait/ maunawaan ko sila both of my parents including yung kamag anak ko. I even question myself if deserve naming magkakapatid yung nangyari kaya up until now i feel sad kapag naalala ko yun. Hindi din sa ayaw ko ipublic yung wedding namin. Pero ang gusto ko sana after wedding saka ako mag aanounce about doon. Pinag usapan din naman po ng partner ko eto. He respect it kasi he knows why I am like this. know na even ng start pa lang ng pag process namin gusto niya ng ipost lahat ng ginagawa pero isinasantabi niya muna for the sake of my mind. Please dont judge me. Thank you 🙂

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, for me po. Just tell the them, if they come or accept, Salamat. If Hindi po, at least sinabihan nio po sila. Pagbali baligtarin man po natin ang sitwasyon, they are still your parents. In God’s perfect timing, they will realize what they did to you. Sabi nga po Wala magulang ang matitiis ang anak. Maybe my Ilan pero majority hindi po. Sila na po ang my kasalanan if hindi sila umattend. No problem din naman po sa civil with few guests. Opinion Ko lang po yan. Congratulations in advance po!

Magbasa pa

Nasa legal age kna man po no need namn consent ng parents. Much better just inform na lng about marriage if interested sila they will ask about venue reception pag hindi huwag mo nalng idetail.

Wedding mo 'yon. dapat masaya ka sa Wedding mo. piliin mo yung makakabuti para sa peace of mind mo. Wag mong piliin yung makakasira ng mood mo sa Wedding day mo.