HELP! 1st baby, 1st time mom!

Hello po! Help naman ako mga momshie advice if anong ginawa niyong home treatment sa babies niyo nung nag ORAL POLIO VACCINE (OPV) at PNEUMOCOCCAL CONJUGATE VACCINE (PCV) baby ninyo ng 3 Months Old siya? sabi kasi sa amin sa Health Center mas nakaka lagnat daw yung ininject sa right leg kaya need cold compress, eh medyo malawak yung reddish na maga kaya di maka dede si baby sakin :( binote ko muna tuloy kasi nababangga sa tummy ko legs nya, konting galaw masakit na sakanya, siyempre first time natataranta ako sa iyak ng baby ko. Baka naman may iba pa kayo pwede advice para ma ease ng konti yung pain aside sa lagyan ng cold compress po yung part ng may vaccine. Thank You & God bless po!

HELP! 1st baby, 1st time mom!
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Painumin mo po ng paracetamol momsh, kakavaccine lang din sa baby ko pinainom ko agad ng paracetamol tapos hot compress. Every 4hrs po yung paracetamol nya. Nilagyan ko din po ng unan yung right leg nya since makirot po talaga yung vaccine.

VIP Member

nung namaga po yung sa baby ko. ang sbi ng pedia warm compress po 3mins 3 times a day.