✕

Sakit na sa heart

Hello po gusto ko lang maglabas ng stress ko dito. Bat kaya may mga lalaking ganto? Yung sinasabi nya na umuwi ako tas malapit lang opo nalalakad lang yon pero gabi na non 11pm ata 6mos preggy ako that time may mga madadaan na madilim tapos sya sumama sya that time sa tropa nyang babaeng sumundo sa kanya kasi may lakad daw sila ng di nagpaalam sakin muna. Ganto po kasi yan andito ako sa tita ko ngayon e yung tita ko ayaw muna kami pauwiin kasi gustong gusto nya po baby ko nanggigiil po ganon (dito po Kasi ako sa tita ko na to lumaki) nagalit po sakin si lip Kasi akala nya nung wed uuwi na kami hindi pa pala edi sabi ko sunduin nya lang kami gawa ng madami din kami dalang gamit. Tapos di nya na ko nireplyan pero nakikipagchat sya sa tropa nyang gurl na dummy acc ang gamit. Tas idadahilan nya tropa nya lang yon. Tho Wala Naman ako nababasa na landian kaso nakakaselos lang kasi grabe sya makamusta sa tropa nya pero kami ng anak nya wala haha. Partida po galing sa turok anak namin at nilalagnat pero mas nauna nya pa kamustahin yung tropa nya daw. Tapos ako pa lagi pinapalabas na masama sobrang taas ng pride. Ni di man lang ako makabasa o makarinig ng sorry sa kanya. Dahil sa kanya sobrang dami kong insecurities 3 mos palang kami ng baby ko pero sobra na maglagas ang buhok ko dahil sa mga iniisip ko. Sinubukan ko na din magsuicide pero savior ko ang baby ko Kasi nagising sya that time at sorry ako ng sorry sa kanya kasi pano nalang sya wala ng magddiy ng monthly pictorial nya wala na sya taga hele wala na syang human pacifier pag nagkataon. Sobrang sisinv sisi talaga ako. Ngayon pinipilit kong maging malakas ang loob ko araw araw pero pano ko magiging malakas kung sarili kong partner di ako maintindihan :(

28 Replies

Medyo cute sa part na wala ng mag d-diy sa monthly pictorial nya. Hehe.. Will pray for you at kay baby. Godbless you. 😇

Iwan mo na Mummy, di natin deserve ang ganyang klase ng tao. God bless po! 💜

know your worth and leave. wag stressin ang sarili sa ganyang klaseng tao.

ang hirap talaga pag buntis tapos may experience na ganyan 😭😭😭

immature yang lalake na yan..kakagigil.. taga Laguna kayo momsh?

Iwanan mo na, di mo deserve yan.

nako kong ako sayu iwan mo yan

VIP Member

not worthy

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles