Pneumonia

Hello po. Galing na po akong Pedia, from xray result na diagnosed my Pneumonia si LO. Diba po may 2 types yun. Viral at Bacterial. Prinescribe ni Doc Antibiotic 7 days pero honestly po doubtful ako kasi wala naman pong Fever si baby, last check up sabi no Doc clear naman din ang lungs wala ng halak. Kakastart lang kasi uminom ng ambroxol at ceterizine, ni Salbutamol nebule narin.. Ung Xray ginawa 2 days ago. Now mejo okay na si Baby, maayos na ang paghinga. Ituloy ko parin po ba ung antibiotic? My side effects po ba yun? Naawa na kasi ako sobrang exposed na sya sa gamot. 1month old palang sya.. Balak ko rin naman pong magpasecond opinion sa ibang pedia. Any suggestions po? Or same scenario sa mga baby nyo?

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dapat lahat ng tanong mo tinanong mo na nung kaharap mo ung doctor. Wala naman ireresetang makakasama ung mga doctor. Hindi mo pwede pag walang bahala ung pneumonia. Baka magsisi ka pag hndi ka nakinig sa doctor. Kung hndi ka naman panatag sa pedia ng baby mo ngayon magpa second opinion kana. Alam ng doctor trabaho nila, trust them. Di porke ok na sa pningin mo ung baby mo eh ibig sabihin ok na. Nagreseta siya ng gamot base sa diagnosis niya sa baby mo

Magbasa pa
5y ago

Kung magpapa second opinion ka pa do it as soon as possible.

Pag antibiotic need tapusin atleast 7days talaga kung hindi magkakaroon siya ng resistance dun. It means sa susunod na magkaroon siya ng infection, yung antibiotic na yun eh hindi na pwede sa kanya. Either papalitan ng iba or mas mataas na klase ng antibiotic to fight the infection.

5y ago

Opo salamat, d ko pa po sya pinagstart kasi alam ko need tapusin kapag nasimulan na. Papasecond opinion po muna.

Hindi ko po dala si Baby nung nagpabasa ng result at pagkita ni Doc na Pneumonia sa Xray. Reseta agad ng antibiotic. Ayoko naman po magmarunong sa harap ni Doc kaya di ko na tinanong pano nalalaman kung Bacterial o Viral ang infection. ..

5y ago

Natural sis, malalaman yun xray pa lang.

Pwede ka mgpa second opinion sa iba.. Pero ung antibiotic po ang alam q need tapusin un kpag na simulan inumin.

5y ago

Okay Salamat po.

Sis need mo po tapusin yan. Hindi po biro ang pneumonia. Panganay ko po yan ang ikinamatay.

5y ago

Sorry to hear po. Ako din sobrang kabado gusto ko lang din ang ikabubuti ni Baby. Nagworry lang dn ako sa atay nya and immunity kapag puro gamot. Kaya magseek nalang po ako ng 2nd opinion para sa assurance. Thanks po. And sorry again for your loss.