34weeks and 5days!

Hello po! FTM po ako. Tanong ko lang po kung normal lang po ba yung laging paninigas ng tiyan, tapos bumubukol bukol nalang si baby sa loob tapos madalas pitik pitik siya. At lagi siyang nagalaw sa may bandang puson ko na parang gustong sumiksik sa may singit ko. Normal lang din po ba yung laging may nalabas saakin na white discharge??? Tapos kanina lang nakaramdam po ako ng pananakit ng singit at puson pero mild lang po siya, tapos feeling ko po parang medyo naka buka yung sa may pwerta ko na namamaga, normal lang po ba lahat ng ito? 8MONTHS PREGNANT PO. Salamat po sa mga papansin :) #1stimemom #advicepls

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

34 weeks din po ako same na nagtitigas and bumubukol si baby. Yung puson and singit ko hindi naman sumasakit. Ano pong position ng baby nyo? Ako kasi never ko pa nafeel yung sumisiksik sa may puson. Wala din akong masyadong discharge. After magamot yung infection ko, very rare na ang discharge ko like twice a week lang.

Magbasa pa
2y ago

Cephalic po siya. At Posterior kase kaya ramdam na ramdam ko bawat galaw niya. Yung white discharge normal lang daw po.

Yeah oks lang yan. Mabigat na kasi si baby at masakit na yung mga movements niya.