36 weeks and 6 days pregnant
hello po first time mom po ako tanong ko lang po sana dalawang gabi napo kasi sumasakit yung tyan ko,, yung unang gabi po dinaman ganong masakit at nawawala agad pero itong pangalawa po masakit po sya tas sinasabayan po ng galaw ni baby pakiramdam ko nadudumi po ako.. pero pag tuwing dudumi po ako e diko naman po nararamdaman na madudumi ako dahil pag tuwing iihi po ako sa umaga dun napo sasabay yung dumi ko,, pero netong pananakit po kasi tinatry ko dumumi sa arinola nawala yung pag hilab ng tyan ko pero ganun parin si baby galaw parin po ng galaw....

active labor ay makakaramdam ng parang nadudumi kahit walang mailabas..pero may kasamang persistent contractions. contractions ay paninigas ng tiyan then magrerelax. kapag may laging paninigas, orasan. kapag may interval like every 15 minutes, naging 10 minutes, naging 5 minutes, naglalabor ka na. ako, instinct ko na nag aactive labor nako kahit 1st time ko. dahil may interval, hindi nawawala. ako pa nagsabi sa asawa ko na manganganak nako. 1am nagstart ang pagdudumi ko. every hour ako nagigising. pagdating ng 5am, gunising ko na asawa ko. punta kaming hospital ng 9am. nanganak ako around 5pm. kaya sa 2nd ko, ganun din ang active labor signs. i informed na my OB. nanganak ako the next day.
Magbasa pa

