3 months old baby, ayaw dumede

Hello po, first time mom po ako. Kaka-3 months po ng baby ko noon 26. Nag-aalala po kasi ako dahil ang hirap nya po padedehin tuwing umaga hanggang hapon. Kung dedede naman po sya pakonti konti lang. Normal po ba yun? Mas madalas din po sya magsubo ng daliri. Hirap din po patulugin dahil kada ilang minuto lang po ay nagigising na siguro nga po dahil hindi sya busog. Napansin ko din po na medyo pumayat sya dahil hindi sya nadede masyado. πŸ₯Ί Pero tuwing bedtime po, nakakadede naman po sya. Nagigising sya every 2-3 hrs hanggang umaga. Sana po may makasagot sa concern ko. Thank you po #pleasehelp #1stimemom #firstbaby #theasianparentph

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ebf or Formula? Baka ayaw nya na ng milk, kulang sa milk or barado ang ilong? Hiyang sa gatas https://ph.theasianparent.com/paano-malalaman-kung-hiyang-si-baby-sa-gatas https://ph.theasianparent.com/magandang-gatas-sa-baby

Magbasa pa
2y ago

formula na po ngayon. mixed po sya noon pero hirap din po sya makadede sakin kahit hindi naman po inverted yung nipple ko. Kahit anong pwesto na po gawin ko ayaw na nya dumede sakin pagdating nya ng 2 months. check ko po yang article. thank you po

check up mo nq mamsh

Related Articles