Worried for my baby

Hi po. First time mom here. Nalaman ko lang na buntis ako 6 days ago through PT po. Mga 3 days na po akong nahihirapan kumain. Lahat ayaw ng tiyan at pang-amoy ko. Kahit tubig lang or gatas ang inumin ko nagsusuka po ako. Nadiscover ko na skyflakes at banana lang yung kayang magtagal sa tiyan ko. But I'm worried na po kasi dahil madalas kong isuka lahat ng nakakain ko palagi po akong nagugutom at nahihilo. Makaapekto po ba ito sa baby ko? I'm worried na po. Sa wednesday palang po kami makakapagpacheck up. May similar experiences din po ba kayo na ganto? Ano po yung ginawa niyo para maovercome po ito? Thank you

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po ako. Maggatorade ka sis tapos kung sa tubig nahihirapan tanggapin ng tiyan mo try mo MagWilkins. mayat maya inom ng gatorade pero pauti uti. wag mo bibiglain. Pagkasuka mo pahinga ka ng mga 15mins tapos saka ka kumain pero wag mo rin bibiglain. Pauti uti lang. Nagkaganyan din ako yung akin pa nun wala na talagang laman tiyan ko pero sige pa rin sa pagsuka. Possible mababa na rin bp mo kaya ka hilong hilo kasi nga suka ka ng suka. Wag ka magtetake ng kahit anong gamot na di nirereseta sayo ng OB. Base lang to sa experience ko sis. ngayon 10weeks preggy na ko may time na sumusuka pa rin ako ganern. Pagmga ilang days ka na nakakapagtake ng nireseta sayo mawawala yan bigla. tapos sis try mo ulamin nilagang talbos sawsaw mo sa patis linaw na may calamansi onting kanin nakakatulong din yun sa lowblood, tapos yun nag gatorade hihi. Try mo rin malalamig na foods pero wag palagi ha

Magbasa pa

Normal lang po yan and mas okay po na nakakakain kayo ng banana and Skyflakes kesa wala. Ganyan din po ako nung 1st trimester, halos wala akong makain, lahat ng pagkain hindi masarap sa panlasa ko, saging and oranges lang kaya kong kainin. Lagi akong may heart burn kasi halos laging walang laman tiyan ko. Try niyo po yung ginger, kahit maliit lang, balatan mo tapos ibabad mo lang sa bibig mo na parang candy. Natry ko din yung candy na Gingerbon, effective naman sa pagsusuka ko pero hinay hinay lang din po kasi candy pa din, may sugar. Sa checkup niyo po sabihin niyo po sa OB yung naeexperience ninyo, para siya po makapagbigay ng advice, itanong niyo din po yung mga vitamins and supplements na dapat ninyong inumin. Congrats!

Magbasa pa