Pananakit ng puson habang nasa first trimester

Hello po, first time magbuntis po! Ask ko lng po if normal po ba nga experiences ko. 1. Nagkaron po ako ng brownish na onting onti lng na discharge nung isang beses na umihi ako. Pag punas ko po tissue andun yung kulay brown pero super KAUNTI lang po talaga 2. Tapos po yung minsan po prang pag pinipindot ang puson ko, now lang po naramdaman, at ngalay na balakang, normal po ba un? 3. Pwede po ba makipag talik sa asawa habang first trimester? 4. Anu po mga masshare nyo po sa akin hehe since first time ko po. Sobra po kasi ako nappraning hehe. Baka po may mga advice po kayooo. Thank you so much po 🫶🏼

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

1. not normal ang spotting kahit KAUNTI pa yan. sign yan ng may uti or mahinang kapit ni baby 2. di mo dapat pinipindot ang puson mo, mild pain like parang dadatnan ng regla is ok pero kung madalas yan, magpacheck up. 3. pwedeng makipagsex kung cleared ka na ni OB dyan sa mga nafifeel mong discomfort at spotting. 4. laging kay OB ang punta or tanong once na may kakaiba kang naramdaman. be healthy, uminom ng maraming tubig. Godbless you

Magbasa pa

hi sis. may spotting din ako noong 8weeks ko, nag pa TVS ako, nakita na may (subchorionic hemorrage) bleeding sa loob, niresetahan ako duphaston. for now, habang hindi po okey ung bleeding sa loob, hindi muna ako nakikipagtalik kay mr. plan ko palang balik ultrasound sa week 20, para makita ko na din gender ni baby. ..

Magbasa pa