Hi, Mii! Ako po nung first pregnancy ko ganyan ang feeling naguguilty kasi pala-absent pero mas pinili ko mag work, isipin ang stress kesa ang baby ko, ayun nag miscarriage ako. Ngayon, sa awa ng Panginoon, nabuntis ulit kaya this time pinili ko na si baby. Simula ng nalaman ko na preggy ako (4weeks) ay nag LOA ako kahit ayaw ng boss ko tapos kinausap ko yung ob ko na gang makalagpas sa 1st trimester ipapahinga ko to kasi ayoko na makunan.. kaya ito turning 10weeks na kami bukas. Praying and hoping na kapit na kapit na si baby with healthy, sac, fetus, heart beat at plancenta para after 12 weeks makapag work na.. pero i dont feel guilty by not working. I choose my baby.. i choose my family. Madali makakuha ng work, ang pagkakaroon ng anak ay mahirap. Sana mii ay nakatulong ๐ May God bless you!
Hi mamsh, okay lang po kung minsan nagiging emotional tayo hormones po yan im currently 11w now malayo din po ang work ko so byahe din po ako, minsan nakakaramdam ako ng cramps tho yung result ko naman is normal lahat just to make sure nag request po ako sa ob ko for bedrest nasa stage po kasi ako na sobrang selan ko at lahat ata ng kaartehan nararamdaman ko. In your case po kung nag spotting na po kayo please wag niyo po isawalang bahala yan delikado po yan, wag niyo po isipin yung maiiwan niyo na work mas mahala po ang safety ng baby niyo at kayo, magirap din po mag liban sa work ko pero ano magagawa nila buntis ako mas priority ko ang baby ko kesa sa work ko. Sana naka help. Ingat po
Hi Mi ! Ako nagresign ako sa bago kong work nung nalaman kong confirm talaga na preggy ako. Dahil sobrang selan ng pagbubuntis ko po. At that time nagmomotor po ako every day para pumasok sa work. Pero nung nagpacheck up po ako meron daw po ako subchrononic hemmorrage sa loob ng matres ko kaya pinagrest ako ng 2 weeks. Nag inform din po ako sa boss ko at sobra din akong naguilty dahil hindi na po ako nakakapasok. Kaya po nagdecide po ako na magresign nalang para sa safety namin parehas ng baby ko. Sa awa po ng dyos nawala na po yung hemorrage po. First time mom din po ako kaya sobrang ingat na ingat po ako.
Same here I feel you. First time mommy here and im in my 12weeks of pregnancy. Sobrang hirap ako kumilos wala nakong nagagawa sa bahay. 2hrs din ang byahe ko papasok and pauwi ng ofc. Hindi biro ang magakyat baba sa hagdan.. Kaya nakiusap ako sa boss ko na baka pwede mag work from ako para maiwasan ung pagkatagtag ko sa byahe at malessen ung pagod at pumayag naman sila.. Now,. nabawasan ang aking stress hehe. Working mommy for my 1st baby ๐
Choose your baby. Yes mahirap pero worth it naman lahat. I also have miscarriage and sobrang nakakasisi na mapagdaanan yung ganun. Kaya choose you're battle wisely. Binigay sayo ni Lord dahil blessing yan. Wala naman masama magsabi sa work mo ng situation mo ngayon habang buntis ka. Maiintindihan naman nila yun for sure. Always pray, be strong and be positive always. Godbless to both of you ๐๐๐
same here. wfh nga lng aq but still, hindi q mapigilan ung sarili q magsleep while duty. minsan masama dn pakiramdam. I chose to resign kc hindi q n tlga kaya magnight shift. wla nmn kaming dayshift. try to talk to your tl if option ung magpalipat ng sched if mas better sayo. iba iba kc ang pagbubuntis. qng d kaya, wag pilitin for the baby. ๐
your baby is far more precious than your work. ako nga two months ng absent sa work. 10wks pregnant.
Piliin mo si baby mommy. Mas masakit at nakakapagsisi kung si baby ang mawawala.
Mga mommy pwede na po bang pakainin Yung mag 6 months ngayon 28 SI baby?
ganyan talaga pag buntis naninibago ka lang sa nararamdaman mo.