Feeling guilty
Hello po. First pregnancy and nasa first trimester ako. Naguguilty ako kasi lagi nalang akong absent sa work, kung hindi nag sspotting, eh sobrang sama naman ng pakiramdam (nahihilo, feeling masusuka, masakit ulo at katawan). 3hours byahe commute at night shift kasi BPO. Minsan natatanong ko sarili ko, bakit yung ibang buntis kaya magtrabaho tapos ako, hindi. Iniisip kong mag LOA na, kaso lang sayang naman yung HMO kasi mahihinto. Pangdagdag din sa gastos sa checkup at laboratories. Sumasama na loob ko kasi yung mga dati kong ginagawa saka kayang kong gawin, hindi na nagagawa. Yung performer ako sa company, pero ngayon wala na. Pala absent na. Feeling ko pabigat na ko at not at my best na. May maiaadvise ba kayo para malampasan ko tong nangyayari saken ngayon? Sorry, naglabas lang din ng sama ng loob.#advicepls