Fabella Hospital
Hi po, balak ko po sana manganak sa fabella, kasi puro private po ang hospital dito sa amin di daw po ako pwede sa lying in kasi malaki ang tyan ko at maliit akong babae, pinagreready po kami ng 80k-100k kaso no work no pay po ang asawa ko kaya sa fabella namin gusto subukan, need po ba talaga ng atleast 3 blood donors bago ka nila tanggapin? Kahit normal or CS daw po. June 6 po ang EDD ko.. Pahelp naman po, God bless and TIA po ?❤️
Pinsan ko doon nanganak last april 2020 CS. 3.9kg kasi baby nya tapos breech position pa. Zero bill talaga sila dahil sa philhealth.. oo kailangan talaga ng blood donor, sa pinsan ko 5 donors ngayon yatang may pandemic ok na yata at least 3 donors lang kasi hirap makahanap ang mga patients ng donor. Pacheck up kana mommy, mas accurate ang info kapag ikaw mismo ang makakausap ng mga staff doon 😊
Magbasa paNatanggap po ba sila ngayon? Yung friend ko po kasi tinanggihan. Anyway, sa pagkakaalam ko po need nga raw po ng 3 blood donors po.
Di ko nga din po alam, pero may kakilala po kasi kami dun dinala emergency tinanggap naman po wala din sya donors ..
Dun po nagpapacheck up pinsan ko now.. Need daw tlga blood donor. Ngayon po okay any time pwede na sya manganak dun
Kahit po normal delivery? Ang case ko kasi sis pede pa manormal tapos ok lang ba na wala akong check up dun? Ang layo ko kasi balak ko sana pagdating ng duedate ko saka ako pupunta dun.. Thank you sa pagsagot sis ❤️
Taga saan ka sis? Dito ako sa cavite nanganak, hosp bill namin ni baby 52k+ lang.
Magta trial of labor ka ba sis? Kasi pag ganun mahal talaga compared sa scheduled CS. Magaling din OB ko dun tsaka yung anesthesiologist, mabilis ang recovery ko.
Up
up
Momma of Aes