Cervical Cerclage - long post pero sana may makatulong po sa akin para mapayapa ang loob ko

Hello po. Baka po pede makahingi ng nga insights and experiences nyo for cervical cerclage. Currently at 17 weeks and 6 days. Kakapessary ko lang last Friday. We decided to do it kahit na 3.1cm pa ang size ng cervix ko. As pero UroOB na naginsert, inunahan na ng PeriOB ko. So far okay naman ang pakiramdam ko. Dapat cerclage kaso may polyps pa ako kaya di pede gawin. But today during may checkup (4 days after pessary insertion), nakita na nasa 2.6 ang cervix ko. Nagdedegrade naman ang polyps ko, maybe because of heragest. Now i was advised po to undergo cerclage. Pero icheck muna daw after 2 weeks kapag totally nagdegrade na si polyps. Kasi mahirap daw talaga magcerclage pag may polyps. Mamamaga ang paligid and all. Paano po ba gagawin ang cerclage at mataas po ba ang success rate. Twice na po ako nawalan. First at 13 weeks and the other one at 17 weeks. Kaya nadiagnos ako for incompetent cervix dahil dyan. Gusto ko lang po magkaanak nang sarili ko. Willing naman kaming gawin ang lahat para .asave sya. But can those who experienced it share po their journey? Thank you.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I was also diagnosed with incompetent cervix,twice akong nawalan at same 23 weeks. But kay bunso, nagdasal po ako ng sobra,nanalig,at sinabi kay Lord, "Lord,kung akin po ito,ibigay Nyo na po,patuloy akong magtitiwala sainyo".. ayan po,dasal po ang medicine ko and duphaston,di po kase afford ng cerclage. Gabi gabi po akong nagdadasal at hinihingi sya kay Lord. Kaya itong si bunso ko, araw araw kong ipinagpapasalamat sa Panginoon,sinasabi ko kay bunso lagi "ikaw ang bigay ni Lord saken kapalit ng 2 naunang mong kapatid,at kapalit ng lahat ng sakit". Believe me momsh,ipagPray mo lang,trust the process.

Magbasa pa
7mo ago

yes po every night rosary and personal prayer, minsan twice or thrice a day nagdadasal ako. nagpapasalamat sa bawat araw na kasama ko sya. at nakikiusap na sana pakinggan nya mga prayers ko. pinatigil na po duphaston ko pagpasok ng 2nd trimester. nagduvadilan at heragest na po ako. sana sa katapusan umokay na ulit cervix ko. para di na kailangan ng cerclage. sana umokay na rin lahat po. salamat mi 💜

I did not have the same experience but I pray na maging successful na po ang pregnancy journey nyo this time. I admire your bravery. Your baby will be so proud of you and of course, he/she will be worth it. Update mo kami mi about your cerclage. Laban lang :)

7mo ago

super takot po ako. nung day ng pessary insertion nanlamig ako esp nung nakita ko yung ilalagay at kung paano sya ilalagay. napaiyak pko sa harap ng UroOB. pero nung nailagay okay rin pala. though muntikan na po ako maER at makacatheter the same night. kasi naapektuhan pagihi ko. di ako makaihi feom 1pm to 8pm. patak patak lang e ang lakas ko uminom ng water. ambigat sa pakiramdam. yun pala dahil constipated ako at puno na sya. buti a few minutes bago magpunta sa ER, napaCR ako twice. then i felt na naiihi ako. nagulat kami ng mama ko may lumabas na po. gang 3x na sunod sunod nailabas ko lahat. ayun umokay na. so bawal po ako magconstipate. kaya ayan everyday lactulose ako para everyday CR. ngayon po sa cerclage, di ko naman alam haharapin ko...