help
Hello po, badly need help po gusto ko kasi sana mag exclusive breastfeeding, ang kaso sa hospital palang formula na agad inintroduce sakanya pero hindi ko po hinayaan na mag formula siya, bale mixfeed po kami ngayon kasi parang nabibitin siya pag pinapadede ko kahit matagal na sya naglalatch sakin, bgla nalang iiyak, tas pag pinasakan ng bote dun lang tatahimik. kaya ko naman tikisin kaso ung parents ko po nagagalit dhil gabi na at kakabagin daw. btw, 22 days old na si baby kaya pa po ba mahabol na magbreastfeed nalang si baby at hndi na magformula? bukod sa nakakapagod magtimpla, magastos din. napabili tuloy ako ng breast pump ng wala sa oras dhil sa bote nga ang gusto nya pero gusto ko milk ko ang dedein nya. ang kaso hindi manlang ako maka 1oz :( ano po kaya dapat ko gawin? first time mom kasi medyo nangangapa pa po :(