Flu and Tetanus vaccine for pregnant 28weeks

Hello po, ask lang mga mami nasa magkano Flu and Tetanus vaccine for 28weeks pregnancy???? #1stimemom #advicepls #pleasehelp

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung budgeted ka, yung flu vaccine po pwede kayo mag inquire sa mercury or kaya watsons na malapit sainyo kasi by schedule lang sila eh. mas mura doon kumpara sa mga private hospital nasa less than 1k lang. sa tetanus naman, sa center meron din doon either ikaw bibili ng gamot or may minimal to free na fee pero sa OB ko kasi 350 pesos kada turok since 2 dose ang need for tetanus

Magbasa pa

Nagtanong po ako sa center kung may flu vaccine sila kaso wala po then naka tyempo po kami sa mercury 850 pesos po. Tapos yung tetanus po is sa center ko na po pinagawa. Natuwa nga po ang midwife dahil nirerecommend ng private Oby na mag paturok sa center.

Yung sakin mi magkaibang months tinurok sakin, 2,300 nung una then 2,800 yung next.. private hospital kasi kaya mejo pricey siguro pero kung nalaman ko sa center may libre dun ako pupunta eh hehe

ang tetanus po free lang sa center ng brgay nyu po... then yung flu vaccine po naorder po kmi sa nurse namin sa center mas mura po kse 1200 compare sa obgy 1800 po

VIP Member

Hello Mommy. Sa flu ko po before 1k+ and anti tetanus sa pagkakaalala ko umabot yata 2k. Ngask n po kayo sa OB niyo? Join din po kayo sa TeamBakuNanay in Facebook

Ob ko Wala naman nababanngit sakin tungkol sa mga inject inject na GANYAN..Kailangan po ba yan..or pwde naman na Hindi na lalo na't second child siya.

Anti flu vaccine kakapainject ko lang po last Monday. 1,500 po private hosp. Then yung anti tetanus po naka sched na din po ako, 3,300.

TapFluencer

un anti tetanus, free sa brgy health center nmin, donation lang binigay ko.. un flu vaccine, nasa 1k plus dipende sa gamot ata eh

Yung tetanus po momsh meron po nyan libre sa center tanong nyo po sa center nyo dyan.

TapFluencer

both vaccine libre po yan sa center .. dto kc samin libre po e 😅