Severe Morning sickness
Hello po ask lang kasi grabi po talaga pagsusuka ko like magigising ako ng madaling araw from 3am susuka then sa morning, afternoon and sa gabi. Please po pa help if ganito din po pa na experience niyo and pano nyo po na handle? Huhu I am 11 weeks preggy po. Thank you po. Highly appreciated po mga answer nyo po. God bless us all.

OMG!! I'm on my 2nd trimester na pero nagsusuka pa rin ako pero di na kasing lala nung 1st trimester ko. Sobrang malala din po ako magsuka at mahilo. Nagresign na nga ako sa trabaho since January kasi di ko kaya i-handle yung nararamdaman ko. Di rin ako nakakaalis bahay ng malayuan or matagal kasi nga kahit sa gitna ng kalsada sumusuka ako. Kahit nung nagpacheck up ako, same pa rin. :( Pero eto tips ko para di sobrang lala ng suka mo kasi effective sakin. 1. Pag gising sa umaga, inom ka ng maligamgam na tubig. 2. Kumaen ka ng candy kapag feel mo nasusuka ka. 3. Wag na wag kang magpapalipas ng gutom lalo na breakfast, lunch at dinner. Kapag naguguutom ka, kumaen ka ng skyflakes o kahit anong meryenda. 4. Wag mo busugin yung sarili mo ng sobra. 5. Kumaen ka ng fruits. 6. Inumin mo lahat ng reseta ng doctor. 7. Pag nagutom ka, kaen agad or wag mo na hintaying magutom ka ng malala. 8. Wag magpupuyat. Ngayong 2nd tri ko, nagsusuka pa rin ako minsan lalo na kapag di ko nakukuha yung tulog na gusto ko.
Magbasa pa



Badass Mum