VERY HELPFUL TIPS FOR BREASTFEEDING MOMS ESPECIALLY TO PUMPING MOMS: Sa unang apat na araw (first 4 days after delivery), kung kailan COLOSTRUM palang ang napo-produce ng suso, mag hand express ng breastmilk at itago sa ref. Ang colostrum ay hitik sa antibodies at nakakatulong ito para ma-proteksyonan ang isang sanggol sa sakit at para mabilis siyang gumaling kapag mayroong sakit. Mataas ang antibodies ng colostrum kaya sinasabing ito ang pinaka-importanteng makuha ni baby sa unang 4 na araw ng kanyang buhay. Ang stored breastmilk ay pwedeng tumagal ng 3 to 4 months kapag nasa freezer. Makakatulong ng malaki ang iniref na colostrum kapag nagkataong nagkasakit si baby. - Ang breastmilk ay pwedeng ilagay sa storage bag at pwede rin sa bote na may sealing disc para hindi ma-contaminate. - Pwedeng pagsamahin ang expressed milk na magkaibang oras basta pareho ang temperature kapag pinagsama. Sundin ang time ng unang inexpress na gatas sa label ng storage bag - Ang rule sa pagkuha ng stored milk ay FIFO (First In, First Out) ** Paano magtunaw ng breastmilk? • Maglagay ng tap water o tubig gripo sa isang container at ibabad ang breastmilk na nasa storage bag • Huwag imi-microwave ang gatas o ibababad sa mainit na tubig para hindi mamatay ang antibodies at dahil mabilis dumami ang good and bad bacteria sa mainit na environment • I-SWIRL (dahan dahan na paikot ikot na motion) lang ang breastmilk at huwag isha-shake para hindi "mabasag" ang components na mas effective kapag buo Gaano karami ang ibibigay kay baby? - During the first 6 months (kapag hindi pa nagsosolids si baby), mayroong 1-1.5 per hour rule. Sapat na ang amount na 'yun para maiwasan ang overfeeding. - Kapag nagsimula ng magsolids si baby up until 1year old, kahit hindi na masunod ang 1-1.5oz per hour rule. But it's worthy to note na until 1year old, breastmilk pa rin ang main source of nutrition ni baby kaya magkatulong ang breastmilk at paunti-unting solid food. - Kapag 1year old na si baby, solid food na ang main source kaya focus na sa pagbibigay ng healthy food. Suporta nalang ang breastmilk. * Please note na masustansiya pa rin ang breastmilk mamatay man ang antibodies nito * Please also note na "the longer milk stays in the freezer, the more it degrades" pero hindi naman ×10 ang degradation kundi paunti-unti dahil resilient o matibay ang breastmilk For Breastmilk Storage Guidelines: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=273292453294355&id=216185339005067
Nakaka 6-8oz po ako ng napupump. Pag nafreeze and nathaw na 24hrs nalang sa ref pwede un ipaconsume. Pag nasa room temp naman 2hrs lang. Pag nalawayan na ung dede dapat maubos if not dispose na ndi na pwd irefrigerate.
When i use my epump nakakapump ako ng mga 8oz sa 30mins.
Talaga, ako in an hour 1 to 2 oz lng. Anong food ang kinakain mo or may iniinom k bang supplement.
Eto pa sis
Eto sis
jen