About prenatal check up

Hello po ask ko lng po if need ba talaga yung every months magpunta sa Clinic/ sa Ob para sa prenatal check up , kada check up po kasi ng ob ina ultrasound niya po ako , ang concern po ng fam.ko dito is yung sa ultrasound baka si baby daw maapektuhan yung sa radiation daw sa ultrasound imbis ngayon po yung sched.ko po , nag cancel na lng kami kasi ayaw ng mga byenan ko na magpunta kami sa clinic dahil nga don#firstbaby #1stimemom #theasianparentph #advicepls #pregnancy

45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

no offense sayo ha. bakit nagmamagaling ang mga byenan mo kesa sa doctor eh hnd naman sila doctor? as per my ob wala pong radiation ang ultrasound. mas ok nga na inuultrasound ka bwan bwuan para alam mo kung ano na progress ng baby mo sa sinapupunan mo e. nakakatawa lang mga oldies magisip ng ganyan kasi siguro hindi nila na experience ang maultrasound during their pregnancies (i mean hindi uso noon). buti nga ikaw monthly utz ung ibang ob 1x in every trimesters tapos un pala late na nila nalalaman na may something kay baby. wag ka magmimiss ng checkup mamsh. tsaka kung ang concern mo is ung sa utz lang sana sinabi mo yang concern mo sa ob mo. para aware sya at masagot yang agam agam mo.

Magbasa pa

ganyan din po ako nung sa o.b ako nagpapacheck up, .ok.naman mga result ko, buong 1st tri.ko na ultz.ako kea 3beses na din ako nun na.ultz..sabi nga din nila sakin baka daw maapektuhan na nyan c baby kac sa radiation.., kea lumipat ako sa center don nlng ako nagpapacheck up, libre na pati vitamins, malapit lng din dito samin walking distance lng kea tipid na rin, 23weeks preggy na ako ngaun wait ko nalang req.ni midwife kung kelan ako mapa.ultz.. pero sabi naman depende daw sakin f kelan ko gusto para malaman na din gender ni baby..😊

Magbasa pa
Super Mum

Hi mommy. Sakin po tnanong ko kay OB kung ilang beses dpat magpaultrasound sa duration ng pregnancy, iba2 daw po dpende sa OB pero kung sya pag normal lng ang condition 3x lng daw, 1st sa 1st trimester, 2nd around 7 months for gender at check kalagayan ni baby and kapag kabuwanan na for BPS.

TapFluencer

Napakaimportante po ng check up momsh, monthly.. nung lockdown,di ako nakpag pa check up, kaya diko nalaman na breech padin baby ko,kampante kasi ako na normal si baby.. pero.... the day na nagpa ultrasound ako ulit kabuwanan kona, lumagpas na yung due ko, na emergency cs na ako..

usually yung monthly ultrasound is sa mga ob na meron mismo ultrasound sa clinic nila. ganyan kasi ob ko, ob-sono-perinat siya kaya may sariling ultrasound. kda check up ko meron din ultrasound pra masilip c baby. di nman nakakasama yun momsh, xray ang may radiation hndi ultrasound.

4y ago

Hahaha white lies lanh naman un. Para din naman sayo un as mommy atleast panatag ka na ok si baby.

hindi po nakakasama sa baby ung ultrasound. xray po yung may radiation. hindi naman po magsasabi ung OB ng ikakapahamak nyo hehe . ako po every month din check up with ultrasound. mas maigi nga po yun kase monitor nyo ung baby. pero desisyon nyo padin yan :)

Wag kayo mag alala. Safe ang ultrasound. Hindi naman yan kagaya ng xray na may radiation. Mas ok nga yan kasi mas nacheck mabuti si baby. Hindi ka naman ultrasound ng OB kung alam nyang makakasama yan sainyo. It's very safe.

Better ask your ob kung bkit monthly k inuultrasound..ako kc noon monthly ang check up at ultrasound kc minomonitor ang myoma ko dhil lumalaki..kung wla nmn prob o concern s pgbubhntis mo, i think wla nmn rason pra monthly k iultrasound..

4y ago

ok po ,salamat sa advice maam..sunod po na magpa check up ako sa Ob itatanong ko po yaon

very important na sundin ang monthly check up para makita mo ang progress ni baby. ang pag ultrasound naman ndi siya harmful sa bata. once a month lang naman paliwanag mo nalang na importante talaga.

kung hindi naman risky ang pregnancy mo hnd naman need lagi ultrasound. sabihin mo sa ob mo na hindi mo gusto (kunyari na lang wala ka budget.hehe) maiintindihan naman nya siguro. 😉