nakunan po ba?

Hello po, ask ko lang po sana yung friend ko kasi buntis siya 4weeks. tapos kahapon dinudugo sya maghapon yun tas kanina ayan lumabas sa kanya sobrang laki. Nagpacheck up napo sya kagabe tas kanina ansabe sarado naman daw matris nya need lang uminom ng gamot. Baka may same case po dito dati nung nagbubuntis kayo normal lang po ba yan? pasagot po salamat πŸ₯ΊπŸ₯Ί

nakunan po ba?
65 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Last week lang po ni-raspa ako dahil nagkamiscarriage ako, 6weeks na sana baby that time.. 3days delay palang, nagPT na ako and positive. Excited kami for our 2nd baby sana kaya nagpacheck up agad ako sa OB. Then nung nag-undergo ako ng TransV wala pang makita, as in clear ang uterus pero my thickened uterine lining, possible daw dahil early pregnancy. Pinapaulit sakin after 2weeks yung transV. Pero after 1 week, dinugo ako.. nagpacheck agad ako sa OB. TransV ulit pero wala talaga makita.. pinagPT ako, positive. in-IE pa ako ni doc pero close cervix naman daw. Niresetahan ako ng pampakapit, binili ko agad pero nung gabi na yun, ito na yung lumabas sakin.. Nagpaultrasound agad ako the other day, kaso wala talang makitang baby, pero may scattered na dugo dugo. Possible daw na nakunan na ako.. Masakit pa din hanggang ngayon, nadedepressed ako.. Di ko inexpect mawawalan ako ng baby ng ganito kaaga..

Magbasa pa
Post reply image
Related Articles