Not sure if pregnant
Hello po, ask ko lang po if positive napo kaya ito. Medyo malabo pa po eh. Feb 3 po last menstruation ko and dipo sya normal na 7 days gaya ng regla ko before. And nag pt po ako nun ( diko na-picture-an ) diko po sure kung 2 lines ba talaga lumabas sa result. May lagnat po kac ako nun that time kaya pag pt ko diko nabantayan ang result. Kac sobrang taas ng lagnat ko at nahihilo. Pero after mga 30 mins ata yun. Nakita ng kapatid ko at sinabi sakin at pinakita. Two lines sya. So dipa rin ako kumbinsido kac lagpas na sya sa estimated time na dapat 5 mins lang ang result. Then march 1st week nag pt po ulit ako at eto ang lumabas. Malabo ung isang line. Delayed narin po ako ng 10 days. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba. Pero sa 1st born ko mga 7 weeks ako nakaramdam ng mga lihi, morning sickness. Etc. Dun ko lang nalaman na preggy ako. Ngayon blanko pa isip ko. Hehehe diko alam kung positive ba or hindi. #pleasehelp #Respectpost #JustAsking ☺️❤️