Pananakit ng likod at paninikip ng dibdib
Hello po. Ask ko lang po if may ibang naka experience na din ng gantong pakiramdaman dito. Cesarean mommy po ako. 5 months na po nung na cesarean ako. Nung August nag start na manikip yung dibdib ko saka sobra sakit ng likod ko. Nagpa check up ako after nun, pero hindi sa OB ko. Base dun sa result nung laboratory mataas daw yung uric acid ko. Sinunod ko yung advice ng doctor about sa mga bawal at sa pag inom ng gamot. Pero bumabalik balik pa din yung paninikip ng dibdib saka sakit ng likod. Sa mga mommies po dito na meron katulad ng nararamdaman ko ano po ginagawa nyo or ano po yung mga remedies nyo? Nabasa ko din po kasi sa isang FB group ng mga cesarean mommies na marami ang nakaka experience ng ganto. Sabi nila dahil daw sa anesthesia, di ko lang po sure kung totoo ba or may basis ba na anesthesia ang nag cacause ng gantong symptoms. #advicepls