UTI NA DI NAWAWALA
Hello po. Ask ko lang po bakit po hnde nawawala ang UTI ko super careful naman na po ako at parate umiinom ng buko at mara ing tubig also yakult and cranberry. From 10-20 pus cells nagng 10-25. Bat po ganun? #advicepls #1stimemom #pregnancy #pleasehelp #worryingmom

kung hindi po nawawala uti nyu kahit ilang beses na kayo uminom ng antibiotic, best po na magpa urine culture sensitivity test na po kayo. dun po nalalaman kung anong klaseng bacteria ang nagko cause ng uti nyu at anong specific na antibiotic ang makakawala nun. may mga bacteria po kasi na resistant na sila sa iniinom nyu na antibiotic kaya wala nang effect sa kanila kaya di sila namamatay. yun pong test na yun ang pinagawa sakin ng ob ko kahit first time ko palang na magka uti habang buntis, para atleast magamot agad uti ko with the right antibiotic kesa magpabalik balik uti ko tapos panay inom ng antibiotic. sa result po ng sakin sobrang taas ng uti ko, 100k yung bacteria. nandyan din po nakalagay yung mga list ng antibiotic, kapag resistant ang nakalagay ibig sabihin hindi na tatablan ng antibiotic na yun ang bacteria na yan. yung susceptible ang need ko itake na antibiotic para makapatay sa bacteria. medyo may kamahalan lang po ang ganyang test, range sa 1500-2500 depende kung sang clinic po.
Magbasa pa


