ROTA VACCINE

Hello po, ask ko lang hindi na ba pwede mabigyan ng 1st dose ng rota vaccine ang baby ko? kaka 4 mos nya lang nung 19, hindi kami nakabalik agad noon sa pedia niya para sa vaccine kasi nagka emergency kami sa bahay, kaya nag message ako agad sa secretary ng pedia namin kaya lang super delay mag reply hanggang sa bumalik na ko sa work hindi ko na rin naasikaso, nakailang tanong na ko hindi naman agad nagrereply yung secretary ng pedia namin, then nagdecide na lang kami ng husband ko na sa center na lang kami magpa vaccine kasi nga ang hirap nila kontakin, nag tanong ako if pwede ba ituloy sa center yung nasimulan naming vaccine sa kanila tsaka lang nag reply haaaays at hindi na daw pwede bigyan ng rota vaccine ang baby ko ingatan na lang daw na huwag magka diarrhea ๐Ÿ˜” sana may makasagot if pwede pa, sana ๐Ÿ™๐Ÿ™#adviceappreciated #firsttimemom

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

my baby is 1yr old now and hindi na namin sya napa-Rota shot dahil sa personal and financial reasons namin noon, hindi rin kase biro ang bayad sa kada shot nun. Not until nakausap naming mag asawa yung BHW at Doctor na naka-assign sa health center dito sa amin and we asked pano kung hindi napaturukan ang baby ng ganon since walang available na ganong shot/vaccine sa barangay, sabe naman nila if pure breastfeeding si baby, no need na daw non. Basta maging maingat lang sa ipapainom at ipapakain once nagstart na sya magsolids. So far naman, mula ipanganak ko si baby hanggang ngayong 1yr old sya, never pa sya nagtae or nagkaproblema sa tyan nya. Kahit nung nagti-teething sya, never syang nagka diarrhea or nilagnat.

Magbasa pa

na experience yan ng daughter ko.time kasi yun ng pandemic.schedule nya for rotavirus vaccine pero d talaga kami nakapunta dahil unang bugso ng covid.so ayun na nga, Sobrang ingat na ingat kami sa food handling at pag prepare ng bottles nya.pero nagkaroon parin sya ng amoebiasis. dahil sa tubig na ipipaligo sa kanya.yan daw reason bakit mabilis sya kinapitan ng amobiasis dahil walang rotavirus vaccine.

Magbasa pa

Sa nababasa ko online, kailangan daw first dose ay before 15 weeks. Pero yung sa firstborn ko, inihabol pa rin ng pedia nung 4 months sya (around 20wks na sya nun) at 2nd dose 1month later.

7mo ago

I'm not sure if it matters, pero exclusively breastfeeding kami for the first 6 months.

walang ganyan baby ko mii 1 year na sya. hindi maiwasan may mapunta sa bibig nyang tubig pampaligo galing gripo at panay subo pati tabo pero okay naman baby ko.

pandemic din sa baby ko.. d na sya nabigyan ng rota... 4 years old na sya... so far d naman nasasakitan ng tyan... wag naman sana๐Ÿ™