Rushes ni baby

Hello po, ask ko lang ano po ba maganda ilagay sa rushes ng baby ko?? #advicepls #1stimemom #theasianparentph #pleasehelp #firstbaby

Rushes ni baby
67 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mamsh iwasan po muna magwipes lalo sa pempem ni baby. saka po linisin niyo rin po mabuti yung pinakapisngi ng pempem sa loob ng cotton with maligamgam na water kasi pansin ko po parang di nalilinisan dahil may nakikita po akong white, mabaho po yan at nagiging cause po yan ng uti sa baby girl accdg sa pedia. Pasingawin mo po muna wag muna magdiaper kahit maghapon. Kawawa naman si baby masakit yan. Nagkaganyan din po kasi anak ko dati dahil nagtatae. Try niyo po in a rash ng tinybuds effective po yun or no rash. yan lang po ginamit ko sa baby ko non.

Magbasa pa

Momsh girl pa naman si baby mo sana wag ibabad sa diaper kahit sabihin super absorbent once may wiwi na within 3hrs kahit hindi puno palitan agad yung diaper. Since medyo malala na advised ko sayo Mustela Vitamin Barrier cream every change ng nappy papahiran mo nun mura lang naman 330php 50ml madami na yon search mo sa shopee pati benefits nyan.. Saka huwag ka muna gumamit ng baby wipes kahit unscented pa sa pampunas.. Use cotton balls with warm water.

Magbasa pa
2y ago

salamat po

Huwag po gumamit ng wipes. Advise samin ng pedia running water po kapag huhugasan si baby sa pwet pero wag malamig o di kaya warm water po tabo nalang gamitin panghugas. Hinay hinay lng kung gagamit ng cotton. Lampin lang po muna laging palitan every wiwi at poop. Nung nagkarashes si baby, calmoseptine at drapolene ginamit ko pero pabalik balik pa rin. Nereseta samin ng pedia ay no rash cream (every diaper change) at cortizan cream (konti lang twice a day imix sa no rash cream) ayun gumaling baby ko

Magbasa pa

Drapolene cream po. Meron sa mercury 300 plus po.. Tapos if nasa bahay lang namn cotton with water gamitin pamunas kay baby kung ganyan po ka sensitive ang balat nya. And maximum 4hours lang diaper nya if ibang brand na hindi cotton and absorbent... Sa mga anak ko pampers diaper nila. Mas okay na medyo pricey mas nakaka tipid kami kasi hiyang sa mga anak ko. At okay lang matagalan sa lag suot kasi absorbent po sya iwas rashes

Magbasa pa

Wipes po ba gamit mo pampunas sa private part ni baby mi pag nagpapalit nang diaper or pag nag poop? If ever wipes po stop mo po mi mas okay pa po ang cotton balls at maligamgam na tubig lage pong tuyo dapat diyan sa private part ni baby or try mo po elica cream or cocoderma po. Pero kung ayaw parin po mawala punta na po sa pedia ni baby para mabigyan nang angkop na cream sa rashes.

Magbasa pa

drapolene mamsh effective linisin mo lang po muna ung private part ni baby at patuyuin bgo lagyan napansin q din mamsh may prang laman ung sa pagitan ng private part ni baby at sa pwet niya same cla ng baby girl q try nio po pahanginan ung lagayn mo lang po ng panty or wag lagyan ng salawal pra lumiit lang xa mamsh ksi once mamaga po yan mhihirapan c baby pansin q po ksi mejo malaki n xa

Magbasa pa

try Unilove rash cream mii and change nappy brand na then wag na iwipes direct tap water na sya at sabunin ng mild soap, atleast every 3-4hours ang nappy changing wag na hintayin mapuno at manghinayang or try mag cloth diaper.. mahirap pag naging worse yung simpleng rashes danas ko yan sa panganay ko, na 1week nag stay sa hospital dahil sa infection gawa ng nag worse ang rashes

Magbasa pa
VIP Member

Distilled water and cotton. Tapos pag nalinis na gumamit ng malinis na cloth para ma dry before lagyan ng calmoseptine. Mas worst pa dyan sa baby boy ko. As in dumudugo na kase panay tae siya newborn pa kase kaya nairita yung pwet niya. Thank God naman at hiyang niya ang calmoseptine nawala after 3 days. Kahit nawala na nilalagyan ko parin pero manipis lang.

Magbasa pa
TapFluencer

baka po d sia hiyang sa diaper or wipes na gamit mamsh.. kapag ganyan wag mo muna siyang pag diaperin hanggat sa mawala ang rashes always siguradohin pagka nakapag wiwi na sia palitan agan ang sapin niya. tapos kapag nag diaper na sia ulit always check kung mag rarash na naman para hindi umabot sa ganito para magapan na. kasi mahapdi po yan sa baby kawawa po

Magbasa pa

try mo po muna i.wash using cotton balls with warm water mii. oag sa cream naman, wait mo muna matuyo tapos tsaka mo lagyan.. ginagamit ng baby ko zinc oxide-rashfree po, super effective naman.. tsaka wag nyo po hayaan na matagal yung diaper . kay baby binibihisan ko sya 3-4 hrs po. at incase po na dumami momsh siguro palitan mo na rin diaper nya.

Magbasa pa