Si mister ang taga budget
Hello po! Ano po tingin nyo dito mga mamsh? Si mister po kasi taga budget sa finances namin sa bahay. 1 taon pa lang kami kasal at kkpanganak ko lang. Simula nung bumukod kami, siya humahawak ng pera. Bale yung sahod ko akin lang tapos pag nagkulang ako, binibigyan nya naman ako. Malaki kasi sahod nya. Ngayong naka maternity leave ako, wala ako pera at humihingi lang ako sa kanya ng mga kelangan namin ni baby. Pinapalista nya lang ako ng mga pabibilhin. Sya po tga bayad ng renta, monthly payment sa sskyan, kuryente, tubig, grocery, etc. Bale ung sahod ko nung nakaraan akin lang tlga. Pakiramdam ko ngayon parang hindi ako misis. Never ko hinawakan pera nya pero ngbbgay naman sya. Kaso minsan prang naaawa ako sa sarili ko. May mga panahon kontra sya sa mga pnapabili ko. Prang di ako msaya na gnun. Sinabi ko na sa kanya pro sagot nya ibibigay naman nya lahat ng gusto at kelangan ko. Ano po masasabi nyo?