NANINIGAS TYAN PUSON AT MEJO MASAKIT BALAKANG

Hello po ano po ba talaga sign ng active labor kasi due date ko na po bukas ,then ilang araw na naninigas tyan ko pero now iba yung sakit at pagtigas nya halos hnfi nawawala paninigas simula kaninang 7pm wala naman nalabas sakin dugo o kaya yung malaking mucus plug nung mga nakaraan may paonti onting puti na jelly pero as in onti lang. nanankit sya nananigas pero nawawala . please adv naman po if dapat na ba ko magpadala sa lying in ngayon huhu😰

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same po tayo, ang advised sakin ng OB ko ilista ko yung time kapag parang humihilab or sumasakit/ naninigas yung tyan ko tapos tignan ko yung interval, kapag paiba iba pa tapos mahaba may maikli tapos nawawala wala pa and hindi progressive yung sakit , hindi pa yan. False labor lang yan.

1y ago

Same pa din, galing ako kanina kay Doc and nag pa ie ako 1 cm palang as of 2 pm oct 3. Grabe paninigas ng akin di ko maexplain sobrang uncomfortable na niya. Di me makasleep maayos and makaupo pati pag tayo, mabigat. Try mo mag ganto kapag nanjnigas sobrang nakahelp sakin.

Post reply image

same po tayo. naninigas sya at parang gusto akong umire kahit di naman ako naiire sumasakit din buto buto ng pempem ko tas ilang araw na din sumasakit ang puson ko. kaya ko pa naman kaya di pa ako nagpapadala sa paanakan. sana makaraos na tayo mabigat na din kasi si baby sa tyan 😇🙏

Same po tayo pero hindi tuloy tuloy ang paninigas ng tiyan ko. Pero sumasakit ang private parts ko Lalo na kapag galaw ako ng galaw. Pero tinutuloy ko parin ang pag squat minsan. 3cm ako kahapon.

Pag humihilab na yung tyan mo mi at sumasakit balakang ng less than 3 mins interval na consistent yung tipong dimona alam san ka kakapit active labor na yun 😅