I'm a cheater
Hello po ako si mark. Share ko lang story ko. Yung asawa oo now, high school sweethearts kami. Medyo matagal na kami 14 years na then kasal kami for 2 years. May baby na kami. Ngayon po pinagsisisihan ko na nambabae ako. Kawork ko Naman yun. Ex ng tropa ko sa office rin kaso ginago siya. Eh di naawa ako kay girl. Cinomfort ko ganun, hanggang sa hinahatid ko na lagi pauwi sakanila kasi on the way naman eh. Everyday yun, lasted din for 7 months mahigit. Then may nangyari po samin, nadevelop na lang po. Currently po, pregnant siya. Walang kaalam alam misis ko as in. ? Nagguilty ako. Kasi nasa bahay lang siya inaasikaso si baby. Di rin siya nag dududa. Kampante naman kasi siya. Pero yun nga napakasama ko. Iiwan ko na ba yung kabit o susustentuhan ko pa rin? ?

Kua aminado ka nman na cheater ka db? Sabihin mu na po sa asawa mu ung nagawa mo.wala nman perfect na tao lahat pwde magkamali. Kausapin mu po ung asawa mu pero for sure wla syang magndang masasabi sau. Nasa sau na yan kung gusto mo pa mag stay sa asawa mo.kc mgbbgo na lahat at wla na sya tiwala sau.. pero kung sakaling aq asawa mo at sasabihin mu lahat sakin.mas gusto kong buo ang pamilya pra sa anak at last chance mu na yan.pg nagloko ka ulit wla kna babalikan, ung anak mu sa kabet mo sustentuhan mu nlng kya mg doble kayod ka wag mu bbawasan ang sustento ng tunay mung pamilya kc kasalanan mu yan.pag bayaran mu yan.. kailngn mu i priority ang tunay mung anak at asawa priority sa lahat ng bagay,sa sustento lalo na sa oras.cguro nmn alam ng kabet mu na may pamilya ka tlga.kaya manigas sya.nkikihati lng sya. Sya ang dapat mkramdm na nkikihati lng sya at hindi ang tunay mung pamilya.. nasa sau yan kua sana kc naicip mu rin muna bago mu ginawa d yung kung kelan na buntis saka ka mag sisisi 😓 nkakadiri po tlga malamng pinag sasabay mu ung asawa mu at kabet mo sa isang araw kc lagi kau nagkikita ng kabet mo. Bhala kna kua kung pano haharapin yang ginawa mo habang buhay mu yang dadalin kc bata na pinag uusapan.
Magbasa paHi mark.. tama sila wla bng friends c girl pra kaw ang magcomfort sknya? E ano nmn kng niloko sya ng friend mo responsibilidad mba sya? Anyway I can't help it na ndi mkapagsalita ng harsh ksi sobrang sakit ng ginawa mo sa wife mo. If I were u sabihin mo sa wife mo lht yan. Kng tlgng nagsisisi kna u will be man enough pra hrapin at humingi ng sorry sa wife mo. Tma na na betray mo sya wag mna uli panindigan pa kng ndi mo sasabihin sknya. Right nya mlaman un panloloko mo sknya anyway ndi lht ng sikreto natatago ng mhbng panahon kya mas mgnda kaw na magsabe kaysa mlman nya pa sa iba. Face the consequence nlng din kng ano mggng desisyon ng wife mo. If ever mpatawad kpa nya umiwas knlng sa mga babae. Tama lng piliin mo un wife mo ksi un girl na nabuntis mo kaladkarin sorry for the term ha she knows na may family kna pero nagflirt pa din sya sau pde nmn ksi magflirt sa lalaking single. Ndi ko alm sa ibang girls bat nid maghnap ng sakit ng ulo alm na may asawa gusto pa tlga magflirt sa may asawa...
Magbasa paIm sorry but sa simula pa lang mali na.. ayoko mg anonymous because I have to stand up for the wives. Palagi na lang kasi may excuse.. na develop or may kulang sa wife.. hay naku! kaya na nonormalize na ang mga ganito. How do u know di alam ng misis mo? some wives know but theyll just wait for the right time. the rule is never to comfort woman any1 if ur married.. except sister or mother mo.. and it was also wrong to have her ride ur car. why? di mo naman problema yan. andami kong married friends na lalaki. alam mo before sila mgpapasakay tatawag muna sila sa wife or minsan pg gabi na di na sila ngpapasakay. ASK YOUR WIFE and accept whatever reaction makukuha mo sa kanya. ikaw dapat ang mgpakumbaba. dapat mo talagang iwanan ang kabit. bakit mo pa ba itatanong e kasal ka na sa iba. im not using exclamation points but i hope nakuha mo. ur wife will be distraught and it would take years to gain the trust back. be ready.
Magbasa paNgayon ka pa po nag sisi? Kung kelan maybnabuo na... Im sure dilang isa o dalawa may nangyare sa inyo.... d nyo ba naisip na may naiwan sa bahay mo na nag aalaga sa anak mo na nahihirapan habng nag papa kasarap kayo sa kama? Hindi po kayo tao mga hayop kayo..... inuna nyo pa libog nyo kesa makasira kayo ng pamilya.... pareho nyong ginusto yan.... kung ako sayo aaminin ko sa asawa mo kac niloloko mo na xa ei... kawawa naman asawa mo..... mas inuuna mo pa kapakanan ng kabit mo kesa sa mararamdaman ng asawa mo.... jusko po.... ang sama mo sa kanya ..... pano mo naman nagawa tan sa asawa mo....at ang landi ng KABET ! Mo! alam naman nyang may asawa ka! D xa umiwas! Anyways! Pareho kayong may intensyon! Kakaloka kayo! Iwan mo asawa mo! Sustentohan mo nalng ang anak mo! At sumama ka sa KABET MO! d deserve ng asawa mo ang lokohin lang za! 🤬🤬
Magbasa paGrabe naman yung iba dito kung makapag salita. It took a lot for this guy to open up and share and to ask advise, esp knowing na mostly babae ang members dito. Tapos ganyan kayo magsalita. Oo mali, kaya nga humihingi ng payo. Wag nyo na pagsalitaan ng masama, you are not to judge kasi hindi kayo Diyos. Humihingi ng payo ang tao pero pinapagalitan nyo. So much for asking help 🙄. Kung gusto nyo lang sya i-bash at wala naman kayo sasabihing maganda para mapayuhan ng maayos, wag nalang sana kayo mag comment. So kuya, alam mo naman na mali ka diba? The only thing you should do is to talk to your wife. However she reacts, wala ka magagawa dun. Maswerte ka kung di ka nya kasuhan, kasama ng kabit mo. Suck it up and man up. You made a mistake, all you can do now is to show a little decency to your wife by being honest.
Magbasa paAlam mo ba kuya..isa akong housewife. Sobra nakakapagod pag nasa bahay. Kala mo ba petiks lang mag alaga ng baby. Nung buntis palang ako non sobrang hirap na dahil maselan. Ngaun baby inaalagaan ko, puyat, pagod at stress. Minsan na dedepress din. Tapos, ganun ganun lang ang ginawa mo?? HAYOP! ANIMAL! try mo mag kumpisal. Tanong mo sa pari kung anong dapat mong gawin! Sana d ka nya murahin! 😏 Una kasi, d kana bata e. Alam mo naman na ganun pde mangyari. Ma ffall pag may kino comfort! Nakipag ano kapa. D mo ba binilihan ng pills!!! Hayup!!! Malamang mag sustento ka sa both baby mo. Goodluck, jan masusukan ang for better or for worst! Sana mapatawad ka pa rin ng asawa mo. Pero d yun kadali..minsan umaabot ng buwan at taon. 🙏 Mag trabaho kana ulit! Kasi dami mo bubuhayin!
Magbasa paGosh alam niyo po ba kung gaano kasakit un sa asawa niyo? Maaring masira ang relation niyo ng asawa mo kaya ihanda mo ang sarili mo! Tanggapin mo lahat masakit na salita/Physical na magagawa ng asawa mo hinde po biro ang masaktan! Kasal kayo ng asawa mo dapat alam mo ang tama na kailangan mong iwan yang kabit mo! Matanong lang yang kabit mo alam ba niya na may asawa ka? Alam moba na pwede kang kasohan ng asawa mo ng adultery or concubinage sa ginawa mo at ng kabit mo? Kung gusto mo maayos ang relation mo sa asawa mo iwanan mona yang kabit mo at sabihen mo sa asawa mo ang ginawa mo para hinde nagmumukhang tanga! Nakakaawa! NAPAKA WALANG KWENTA MO! AT WALA KANG RESPETO SA SARILI MO GANUN DIN UNG KABIT MO!
Magbasa paUnang una kuya npaka walang konsensya mo bkit mo nagawang lokohin ang asawa mo .di mo ba alam kung anung hirap ang dinadanas ng isang ina o asawa sa pagbubuntis plng hnggng manganak ? Nako palibhasa lalaki ka indi mo alam yun tas magpapatukso k lng ,ginusto mo din yan e .parang yung jowa ko lng natukso lng daw tpos dalawang beses ginawa sakin .habang nagtitiwala sainyo ang bbae wag nyo nmng lokohin please lng masakit para saming babae yon.isipin p nga lang na my kasamang iba mga partner nmin e kung anu ano n tumatakbo sa isip nmin yan pa kayang nbuntis mo? .layuan mo yung kabit mo at magsabi k ng totoo sa misis mo .magsustento k nlng sa anak mo dun sa kabit .tsk gigil mo ko
Magbasa paKung ako sayo aminin mo na lang tanggapin mo kng ano maggng desisyon ng asawa mo ... kng maiintndhn ka nya o ndi nsa pag uusap nyo yan kesa itago matatahimik ka ba ??? Hindi mo makakayanan konsenya mo kuya kng makikita mo araw araw masaya asawa mo tapos ikaw may ginawa ka pala kagaguhan sknya ... aminin mo na hangat maaga kesa patagalin mo pa pwera nlng kng tlga ipag papatuloy nyo ng kabit mo ang gingawa nyo kase iisipin nyo pareho ndi nmn alam ng asawa mo ... alam mo kng ano tawag sayo ngaun ??? Di mo lang sinaktan asawa mo nag kasala ka pa sa panginoon . Tsk tsk . May dinamay kpa na ndi dpt . Good luck sayo kung makikinig ka ohhh ndi . Balakajan
Magbasa paKahit masakit, kelangan mo pa din ipaalam sa asawa mo at be ready at iaccept mo kung anong gagawin at sasabihin sayo. kung talagang mahal mo ang asawa mo at anak mo sa kanya iparamdam at ipakita mo na nagsisisi ka. matagal bago ka siguro mapatawad pero wag kang susuko kahit parang di ka na mapatawad, dahil ikaw naman ang may kasalanan. yung sa kabit mo, e responsibilidad mong sustentohan ang anak mo sa kanya. walang kasalan ang bata para abanduhin mo. pero siguraduhin mo na tapos na ang relasyon mo sa kabit mo. sa totoo lang, nakakainis ang lalaking katulad mo. sana lang labis ang pagmamahal ng asawa mo sayo pra tanggapin ka pa nya at unawain.
Magbasa pa