Pwede ba magpahilot kapag low lying placenta ang isang mommy?
Hello po. Ako po si Kristine. 22weeks na po ako pregnant magsisix months na. First baby ko po to so curious lang po ako and gusto ko po sana maging aware. Kung pwede ba magpahilot kapag low lying placenta? Bale nung first check up ko sabi ng oby ko na nakabreech yung baby and low lying placenta ako around 4months palang yung tiyan ko. Since diko alam mga pinagsasabi ng doctor ko I decided to have some research para mas maintindihan ko. So ayun, nalaman ko na di pa nakaayos yung baby ko. Nakakakaba pala talaga. Then, niresitahan ako ng mga gamot like vitamins and yung proton pump inhibitor ba yun I guess kasi madalas sumakit yung sa bandang itaas ng tiyan ko. Maganda naman epekto nito sakin. Nung 2nd check up ko ganon pa din situation ko, nakabreech pa din and low lying placenta. Halos mangiyak iyak nako na nakikinig sa mga advices ng doctor. Yung tipong kailangan sundin lahat ng advice niya para kay baby like yung pinggang pinoy (3times daily meal) kaso ang problema yung pangfinancial. ๐ Sinabi ng doctor ko na may possibility na ma cessarian ako since ganon yung ayos ng bata pero iniisip ko 5months plang naman aayos pa siya (nilalakasan ko lang loob ko dyan ayoko mastress eh) Nagtanong ako sa oby ko kung pwede magpahilot as second option lang para sana mapabilis ang pagayos ni baby sa tiyan ko kaso di pumayag ang oby ko sabi niya baka magbleeding daw ako dahil mababa nga placenta ko. ๐Di ko na alam gagawin ko! Babalik ulit ako this August 1 for the third check up. At talagang desperada nako na maging okay na talaga si baby para di ako mahirapan. So nagconsult ako sa parents ko, asawa ko and friends kung okay ba magpahilot para umayos si baby. Pwede naman "daw". Lahat sila gusto nila magpahilot ako pero ako lang ang may ayaw talaga. Nung una talagang takot ako dahil nga sa sinabi ng oby ko na baka magbleeding ako mas lalong delikado baka mapano pa si baby pero dahil sa may consent naman ang parents at asawa ko siguro gagawin ko na lang for the sake of my baby. Any advice po? Susundin ko po ba ang advice ng doctor ko o yung sinasabi ng parents ko since may experience naman na sila? ๐